28/04/2026
Abril 28, 2026- Bilang tugon sa concern ng Anonymous Taga Angono Po Ako V.2 (TAPA) ukol sa mga madidilim na lugar mula Domsa, San Isidro hanggang Mahabang Parang, agad pong kumilos ang Meralco Team sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pole er****on at iba pang kaukulang gawain sa mga nasabing lugar.
Hindi lamang sa Domsa isinagawa ang mga interbensyon, kundi pati na rin sa iba pang pangunahing kalsada sa nasasakupan tulad ng Botong Francisco Avenue at MLQ Avenue.
Nauna rito, noong Marso 3, 2026, nagsagawa ng ocular at aktuwal na inspeksyon kasama ang mga kinatawan ng Meralco na sina Engr. Jer King at Engr. Kyeth, at mga kawani (Maintenance team) ng Barangay na sina Shiny at Bok. Dito ay tinalakay ang mga kinakailangang solusyon upang matugunan ang isyu sa street lighting.
Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang pinal na koordinasyon at konsultasyon sa kinauukulang kinatawan ng Meralco upang tuluyang ma-finalize ang implementasyon ng proyekto.
Dagdag pa rito, may mga nauna nang na-install na solar street lights sa ilang bahagi ng mga nabanggit na lugar bilang paunang hakbang sa pagpapabuti ng ilaw sa komunidad. Patuloy ang ugnayan ng Barangay at Meralco para sa kabuuang pagkumpleto ng proyekto.
Bilang karagdagang hakbang sa pagpapalakas ng ugnayan at partisipasyon ng mga stakeholders, iminungkahi ni Kap. Joey Calderon ang pagsasagawa ng isang konsultatibong pagpupulong o forum kasama ang ibaโt ibang GC o TAPA groups at LGU representatives. Layunin nitong mapag-usapan ang mga adhikain at panukalang proyekto para sa ikagaganda ng kapaligiran at kapakanan ng ating barangay.
Kalakip sa post na ito ang mga letter request bilang patunay ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pormal na paghahain ng mga kahilingan kaugnay ng nasabing proyekto.