13/01/2026
https://www.facebook.com/share/p/1AQuRL2DzC/?mibextid=wwXIfr
𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗨𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗛𝗜𝗞𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 👧👦
✅ Abangan ang ating mga barangay health workers na iikot sa bawat kabahayan simula sa Lunes, January 19, 2026 upang timbangin at sukatin ang taas ng lahat ng mga batang may edad 59 months pababa.
💊 Kasabay nito ang pagpapatak ng Vitamin A Supplementation sa mga may edad na 6 months hanggang 59 months para sa maiwasan ang pagkabulag at pampalakas ng resistensya na ibinigay kada anim na buwan.
💊 Mayroong ring Deworming o pagpupurga para sa kabataang 1 taong gulang hanggang 19 taong gulang para sa malakas na resistensya, iwas sakit at iwas bulate binigay din ito kada anim na buwan.
🙋🏻♀️ Ang mga BNSs at BHWs ay mag-iikot sa buong bayan hanggang February 27, 2026.
Kaya’t hinihikayat ang lahat ng mga magulang na makiisa sa programang pangkalusugan ng pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon at Vice Mayor Jeri Mae Calderon kasama ang Municipal Health Office at mga barangay.