10/04/2026
๐ข ๐๐๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐จ๐ง๐จ! ๐จ
Upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa komunidad, patuloy na pinaiigting ng Lokal na Pamahalaan ng Angono, katuwang ang Philippine National Police ng Angono Municipal Police Station, ang mahigpit at sabayang pagpapatupad ng mga umiiral na lokal na ordinansa. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Sec. Junvic Remulla na naglalayong gawing mas ligtas at maayos ang bawat lungsod at bayan.
Sa ilalim ng programang ito, mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod:
๐ซ Ipinagbabawal na ang pag-inom ng alak sa kalsada
๐ซ Ipinagbabawal ang pagala-galang ng mga kabataan sa dis-oras ng gabi
๐ซ Hindi pinapayagan ang paglabas sa pampublikong lugar nang walang sapat na kasuotan
๐ซ Ipinagbabawal ang paggamit ng videoke o malalakas na sound system lampas alas-10 ng gabi
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kapayapaan, maiwasan ang gulo at krimen, at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayanโlalo na ang kabataan.
๐ฎโโ๏ธSa tulong ng pinaigting na presensya ng kapulisan at aktibong pakikiisa ng komunidad, inaasahang mas magiging maayos at disiplinado ang ating kapaligiran.
๐ฌ Paalala sa lahat ng Angonoeรฑo: Ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sumunod sa mga ordinansa, makiisa sa mga programa ng pamahalaan, at maging bahagi ng pagbabago tungo sa isang ligtas, maayos, at maunlad na bayan.