Sangguniang Kabataan ng San Vicente

Sangguniang Kabataan ng San Vicente Ang Pahinang ito ay binubuo ng mga Kabataan ng Barangay San Vicente, Angono, Rizal.

𝐋𝐒𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§ πŸπŸŽπŸπŸ” Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng oras, effort, at suporta upang maging matagumpay ang...
22/08/2026

𝐋𝐒𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 πŠπšπ›πšπ­πšπšπ§ πŸπŸŽπŸπŸ”

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng oras, effort, at suporta upang maging matagumpay ang ating Linggo ng Kabataan 2026.

Salamat sa inyong pakikilahok at pagpapakita ng interes. Pinatunayan ninyo na ang Kabataan ng San Vicente ay hindi lamang nakikinig, kundi nakikilahok, kumikilos, at may malasakit sa ating komunidad.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa aming mga sponsors, tumulong, at nag-abot ng kanilang mga kamay upang mapagaan ang aming mga gawain. Lalo na kay Ate Cath at sa kanyang mga tauhan, maraming salamat po sa pagpapahiram at pagbibigay ng mga gamit na aming kinailangan, nang walang pag-aalinlangan. Malaking tulong po ang inyong suporta sa amin.

Sa ating Municipal Government, maraming salamat po sa mabilis na pagtugon sa aming mga kahilingan. Maraming salamat po kina Mayor Gerry Calderon at Vice Mayor Jeri Mae Calderon sa inyong suporta at malasakit sa kabataan.

Sa aming Committee Head for Linggo ng Kabataan, SK Kagawad Anthony Mariveles, maraming salamat sa iyong dedikasyon, oras, at sa lahat ng effort na 'yong ibinuhos para maging matagumpay ang ating mga aktibidad. Wala kaming masabi sa atensyon na ibinigay mo sa programang ito.

Maraming salamat din sa aming masisipag na manpowerβ€”SK Kagawad Janzel Berdos, SK Kagawad Larry Jhun Anoba, SK Kagawad Dianne Obligado, at SK Treasurer JJ Perez Trinidad, pati na rin sa buong SK Council na patuloy na nasa likod ng bawat proyekto at gawain para sa kabataan.

Sa aming mga KK Members na sina Kaila, Yhannie, at Kiezhia. Salamat sa inyong oras, pagod, at walang sawang pagtulong para sa kabataan ng San Vicente.

Totoo nga na kapag ang isang bagay ay pinagtutulungan, binibigyan ng atensyon, at sinasabayan ng pagkilos, walang imposible.

At higit sa lahat, maraming salamat, Kabataan ng San Vicente! Salamat sa inyong pakikilahok, pakikisaya, at pagiging bahagi ng ating Linggo ng Kabataan 2026.

Nawa’y hindi lamang sa Linggo ng Kabataan manatili ang ating pakikilahok. Patuloy tayong makilahok, kumilos, magmalasakit, at maging bahagi ng pagbabago para sa ating barangay.

Para sa kabataan. Para sa San Vicente. Sama-sama, walang imposible. ❀️

Lubos at taos-puso po ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Maraming salamat po sa tiwala, suporta, at pakikiisa.

β€” SK Chairperson Alexandra Nicole Bacani

18/08/2026
15/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026
BASKETBALL EXHIBITION GAME

BINGO CARD DISTRIBUTION! Sa mga kukuha po ng Bingo Cards, punta na po kayo sa SK Office dahil LIMITED LANG PO ANG CARDS ...
15/08/2026

BINGO CARD DISTRIBUTION!

Sa mga kukuha po ng Bingo Cards, punta na po kayo sa SK Office dahil LIMITED LANG PO ANG CARDS NATIN!

Huwag kalimutang magdala ng PLASTIC BOTTLES para makakuha ng Bingo Card!

Unahan na po! Baka ikaw na ang maswerteng manalo!



LNK Huling Yugto | DIGITAL POSTER MAKING CONTEST Ito na ang mga digital masterpiece ng ating mga kabataan. Iba-ibang des...
15/08/2026

LNK Huling Yugto | DIGITAL POSTER MAKING CONTEST

Ito na ang mga digital masterpiece ng ating mga kabataan.

Iba-ibang design, iba-ibang ideas, pero iisa ang mensahe: ang kabataan ay hindi lang tech-savvy, kundi marunong ding makiisa, makipagtulungan, at gamitin ang teknolohiya para makabuo ng mas connected na mundo.

Tema:
β€œKabataang Nagsusulong ng Pandaigdigang Kooperasyon sa Pamamagitan ng Teknolohiya at Matatag na Pakikipagtulungan”

Kaya tingnan na ang mga entry at suportahan ang ating mga kabataang may talent, creativity, at konting puyat para sa design.

Good luck sa lahat ng participants!

LNK 2026: Huling Yugto | LOGO MAKING CONTESTNarito na na ang mga entry ng ating mga creative at talented na kabataan.Iba...
15/08/2026

LNK 2026: Huling Yugto | LOGO MAKING CONTEST

Narito na na ang mga entry ng ating mga creative at talented na kabataan.

Iba-ibang style, iba-ibang concept, pero iisa ang goal, ang ipakita na ang kabataan ay may talent, may ambag, at may pakialam sa pamayanan.

Kaya ready na ba kayong humusga?

Tema:
β€œKabataan: Itaguyod ang Kagalingan at Pakikilahok sa Pamayanan, Ipakitang Pag-asa ng Bayan”

Good luck sa lahat ng participants!




MGA KABATAAN NG SAN VICENTE, READY NA BA KAYO?Get ready for our KATIPUNAN NG KABATAAN (KK) ASSEMBLY 2026!Isang mahalagan...
14/08/2026

MGA KABATAAN NG SAN VICENTE, READY NA BA KAYO?

Get ready for our KATIPUNAN NG KABATAAN (KK) ASSEMBLY 2026!

Isang mahalagang pagtitipon para sa ating mga kabataan kung saan pag-uusapan natin ang mga naging proyekto at mga proyekto pang nakatakdang isagawa para sa kabataan ng ating barangay.

Kaya makilahok, makinig, at makiisa dahil ang boses ng kabataan, may ambag sa kinabukasan ng San Vicente!

Kailan at Saan?
August 16, 2026
Time: 1:00Pm
San Vicente Covered Court
Para sa edad 15 pataas

At dahil hindi pwedeng puro meeting lang, pagkatapos ng KK Assembly ay BINGO BONANZA naman tayo!

PAANO MAKAKUHA NG BINGO CARDS?

Ang bawat kabataan ay maaaring makakuha ng maximum na 5 Bingo Cards lamang.

Makukuha ang Bingo Cards sa SK Office sa mga sumusunod na oras:

β€’ August 14, 12:00 NN–5:00 PM
β€’ August 15, 9:00 AM–5:00 PM

β€’ At magdala po ng ID na katunayan na residente sa brgy San Vicente.

Kapalit ng:

β€’ 1 Bingo Card = 2 pirasong 1.5L plastic bottles, o
β€’ 1 Bingo Card = 5 pirasong maliliit na plastic bottles

Take note:
Ang lahat ng plastic bottles na makokolekta ay gagawing kapaki pakinabang at gagamitin para sa ating Barangay Tree Planting Activity.

Kaya bago pumunta, silipin muna ang bahay baka may mga plastic bottles na matagal nang naghihintay ng kanilang moment!

11 PRIZES ANG NAG-AABANG SA INYO!

At siyempre, ang pinaka-aabangan...

GRAND PRIZE NA PUNUAN!
Kaya ihanda na ang inyong mga plastic bottles, kumuha ng Bingo Cards sa SK Office, at siguraduhing makilahok sa ating KK Assembly 2026 at Bingo Bonanza!

Makilahok. Makisaya. Makiisa.

Dahil ang KK Assembly ay para sa boses ng kabataan, at ang Bingo Bonanza ay para naman sa konting swerte!

See you, Kabataan ng San Vicente!





ITO NA ANG HINIHINTAY NG LAHAT! Matutuloy na ang BASKETBALL EXHIBITION: G**S VS. MEN! Bilang bahagi ng ating LINGGO NG K...
14/08/2026

ITO NA ANG HINIHINTAY NG LAHAT!

Matutuloy na ang BASKETBALL EXHIBITION: G**S VS. MEN!

Bilang bahagi ng ating LINGGO NG KABATAAN 2026, sama-sama tayong makiisa at magsaya sa isang espesyal na basketball exhibition!

August 15, 2026 (Saturday)
6:30PM
San Vicente Covered Court

Tara na at maki-cheer, makisaya, at suportahan ang ating mga manlalaro!






MGA KABATAAN NG SAN VICENTE, READY NA BA KAYO?Get ready for our KATIPUNAN NG KABATAAN (KK) ASSEMBLY 2026!Isang mahalagan...
13/08/2026

MGA KABATAAN NG SAN VICENTE, READY NA BA KAYO?

Get ready for our KATIPUNAN NG KABATAAN (KK) ASSEMBLY 2026!

Isang mahalagang pagtitipon para sa ating mga kabataan kung saan pag-uusapan natin ang mga naging proyekto at mga proyekto pang nakatakdang isagawa para sa kabataan ng ating barangay.

Kaya makilahok, makinig, at makiisa dahil ang boses ng kabataan, may ambag sa kinabukasan ng San Vicente!

Kailan at Saan?
August 16, 2026
Time: 1:00Pm
San Vicente Covered Court
Para sa edad 15 Pataas

At dahil hindi pwedeng puro meeting lang, pagkatapos ng KK Assembly ay BINGO BONANZA naman tayo!

PAANO MAKAKUHA NG BINGO CARDS?

Ang bawat kabataan ay maaaring makakuha ng maximum na 5 Bingo Cards lamang.

Makukuha ang Bingo Cards sa SK Office sa mga sumusunod na oras:

β€’ August 14, 12:00 NN–5:00 PM
β€’ August 15, 9:00 AM–5:00 PM

β€’ At magdala po ng ID na katunayan na residente sa brgy San Vicente.

Kapalit ng:

β€’ 1 Bingo Card = 2 pirasong 1.5L plastic bottles, o
β€’ 1 Bingo Card = 5 pirasong maliliit na plastic bottles

Take note:
Ang lahat ng plastic bottles na makokolekta ay gagawing kapaki pakinabang at gagamitin para sa ating Barangay Tree Planting Activity.

Kaya bago pumunta, silipin muna ang bahay baka may mga plastic bottles na matagal nang naghihintay ng kanilang moment!

11 PRIZES ANG NAG-AABANG SA INYO!

At siyempre, ang pinaka-aabangan...

GRAND PRIZE NA PUNUAN!
Kaya ihanda na ang inyong mga plastic bottles, kumuha ng Bingo Cards sa SK Office, at siguraduhing makilahok sa ating KK Assembly 2026 at Bingo Bonanza!

Makilahok. Makisaya. Makiisa.

Dahil ang KK Assembly ay para sa boses ng kabataan, at ang Bingo Bonanza ay para naman sa konting swerte!

See you, Kabataan ng San Vicente!





Address

312 E. Rodriguez Street , San Vicente
Angono
1930

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng San Vicente posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share