MSWDO - Angono

MSWDO - Angono Maagap at Mapagkalingang serbisyong May Puso ♥

Personal na iniabot ni VM Jeri Mae Calderon  ang Financial Assistance para sa isang pamilyang nasunugan sa Barangay Kala...
24/04/2026

Personal na iniabot ni VM Jeri Mae Calderon ang Financial Assistance para sa isang pamilyang nasunugan sa Barangay Kalayaan. Kaagapay nyo ang Municipality of Angono, Rizal para sa inyong pagbangon.

22/04/2026

PABATID SA PUBLIKO

Ipinagbibigay-alam ng DSWD Field Office IV-A sa mga apektadong public utility vehicle (PUV) drivers sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon na ang schedule ng payout sa kada bayan at lungsod ay iaanunsyo ng Kagawaran sa pamamagitan ng inyong mga lokal na pamahalaan at opisyal na page ng DSWD Field Office IV-A.

Para sa mga PUV drivers sa mga bayan at lungsod na wala pang schedule ng payout, pinakikiusapan ng Kagawaran na hintayin ang pormal na abiso para sa inyong asosasyon at lokalidad.

Habang naghihintay ng schedule, mangyaring siguruhing mayroong VALID driver's license at isang photocopy nito para sa pagkuha ng assistance.

Sinisiguro ng Kagawaran na pinaghahandaan ng DSWD at ng mga lokal na pamahalaan ang distribusyon upang matiyak ang maayos at mabilis na pamamahagi ng assistance sa itatakdang araw.

Maaaring sundan ang aming opisyal na page para sa mga tamang impormasyon tungkol sa Cash Relief Assistance at iba pang programa ng Kagawaran.


22/04/2026
22/04/2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Solo Parents Week 2026, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Angon...
17/04/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Solo Parents Week 2026, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Angono sa suporta nina Mayor Gerardo V. Calderon at Vice Mayor Jeri Mae Calderon sa pangunguna ng MSWDO - Angono Ms. Luisita Vestra, ang isang makabuluhan na aktibidad para sa mga solo parents na ginanap sa Mayor’s Conference Room.

Sa temang “Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent,” nagsagawa ng talakayan tungkol sa Mental Health, Financial Literacy at Livelihood, gayundin ang orientation tungkol sa R.A. 11861 o Expanded Solo Parent Welfare Act.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang support system at dagdagan ang kaalaman ng mga solo parents.

Maraming salamat Ms. Pauline-president at lahat ng bumubuo ng Angono Solo Parent Association Inc., Resource speakers, facilitator- Solo Parent Focal Ms. Francia Tecson at sa lahat ng nakiisa sa programang ito.

Mabuhay mga Solo Parents sa bayan ng Angono! 🫶

🫰

10/04/2026

WE for Gender Equality and Inclusive Society!

Thank you for celebrating the 2026 National Women’s Month with us. Every activity you join, every voice you raise, and every story you share strengthens our advocacy and helps shape a society where every Filipina can lead and thrive.

Let’s keep the fire of empowerment burning all year long! 💜

10/04/2026

📢 Mas pinaigting na Safer Cities Initiative sa Angono! 🚨

Upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa komunidad, patuloy na pinaiigting ng Lokal na Pamahalaan ng Angono, katuwang ang Philippine National Police ng Angono Municipal Police Station, ang mahigpit at sabayang pagpapatupad ng mga umiiral na lokal na ordinansa. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Sec. Junvic Remulla na naglalayong gawing mas ligtas at maayos ang bawat lungsod at bayan.

Sa ilalim ng programang ito, mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod:
🚫 Ipinagbabawal na ang pag-inom ng alak sa kalsada
🚫 Ipinagbabawal ang pagala-galang ng mga kabataan sa dis-oras ng gabi
🚫 Hindi pinapayagan ang paglabas sa pampublikong lugar nang walang sapat na kasuotan
🚫 Ipinagbabawal ang paggamit ng videoke o malalakas na sound system lampas alas-10 ng gabi

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kapayapaan, maiwasan ang gulo at krimen, at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayan—lalo na ang kabataan.

👮‍♂️Sa tulong ng pinaigting na presensya ng kapulisan at aktibong pakikiisa ng komunidad, inaasahang mas magiging maayos at disiplinado ang ating kapaligiran.

💬 Paalala sa lahat ng Angonoeño: Ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sumunod sa mga ordinansa, makiisa sa mga programa ng pamahalaan, at maging bahagi ng pagbabago tungo sa isang ligtas, maayos, at maunlad na bayan.

10/04/2026
𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐑𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐎𝐍𝐎, 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋
08/04/2026

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐑𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐎𝐍𝐎, 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐑𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐎𝐍𝐎, 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋


Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng nasyunal, nakasaad rito na inuutusan ang lahat ng ahensya ng gobyerno na mahigpit na ipatupad ang energy conservation protocols kung kaya’t ang Pamahalaang Bayan ng Angono ay MAGPAPATUPAD NG BAGONG ORAS NG TRABAHO SIMULA ABRIL 13, 2026.

𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 – 𝟒:𝟎𝟎 𝐏𝐌 | 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐎𝐍 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐅𝐑𝐎𝐍𝐓𝐋𝐈𝐍𝐄𝐑𝐒

Ang mga tanggapan na may mahalaga at tuluy-tuloy na serbisyo (hal. health services, social services, disaster services, at peace and order) ay magpapatuloy sa kanilang regular na operasyon.

𝐏𝐀𝐌𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎Ikinalulugod naming anyayahan kayo na i-enroll ang inyong mga anak sa Angono Child Development Cente...
08/04/2026

𝐏𝐀𝐌𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎

Ikinalulugod naming anyayahan kayo na i-enroll ang inyong mga anak sa Angono Child Development Centers (CDC) sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program.

𝐌𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚-𝐞𝐧𝐫𝐨𝐥𝐥 𝐬𝐚 𝐌𝐀𝐘 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔.

31/03/2026

Update for TODA fuel subsidy sa Angono Rizal. Submitted napo ang list sa DSWD Region IV-A Waiting po tyo sa cross matching and final payroll. DSWD personnel ang mag facilitate ng pay out.

Dahil sa maraming inquiries sa Municipality of Angono, Rizal mula sa mga drivers ng TNVS at PUV. Minabuti ng MSWDO - Angono na mag inquire sa DSWD Satelite Office sa Antipolo, Ayon sa DSWD sila ng LTFRB at iba pang ahensya sa National ang nag -uusap para sa detalye ng Fuel subsidy ng mga drivers na sakop ng CALABARZON. Maghintay daw po muna dahil on-going pa ang pay out ng NCR.

Kung sakaling magbubukas na ang registration outside NCR, ang mga TNVS companies mismo ang magbibigay ng link kung saan mag re- register ang kani-kanilang miyembrong drivers.



Muli tayong magbibigay ng update kung may bagong direktiba mula sa DSWD. Kung may direktiba po sa LGU mabilis nman tayong tutugon

Address

Angono

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO - Angono posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share