Municipality of Angono, Rizal

Municipality of Angono, Rizal The Official page of the Municipality of Angono, Rizal The topography of Angono does not have a prominently rugged terrain.
(320)

Angono lies 29.38 kilometers east of Manila and some 15.7 kilometers away from Pasig, the former capital of Rizal. It is situated on the southwestern portion of the Province of Rizal, located approximately between 14˚31’ and 14˚33’ north latitude and between 121˚ 08’ and 121˚12’ east longitude (Fig. 1-1). It is bounded by Taytay on the northwest; Antipolo on the north; Teresa on the northeast; Bin

angonan on the southeast; and Laguna de Bay on the southwest. Its local topographic relief ranges only from 100 to 200 meters (Fig. 1-2). The landscape is actually dominated by the alluvial river valley of the Angono River. The river originates from the northeastern portion of the municipality with a narrow yet steed-sided river channel and broadens out into the coast of Laguna Lake. Forming the only major river system, the Angono River, gently meanders through the landscape, making its way southwest into Laguna de Bay. Its tributary streams come from the southern hills of Antipolo, Teresa, and Binangonan.

29/05/2026

AN_013 National Heritage Month 2026

29/05/2026

𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆𝐎𝐍𝐎, 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋, 𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐔𝐍𝐓𝐎𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐋𝐂𝐏𝐂

Iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region IV-A ang pagkilala sa Pamahalaan Bayan ng Angono, Rizal matapos makamit ang iskor na 80.51% o ang pagiging IDEAL FUNCTIONALITY level ng bayan para sa Local Councils for the Protection of Children (LCPCs). Kabilang ang Angono, Rizal sa 75 na lungsod at munisipalidad na matagumpay na nakakuha ng pagkilala sa ilalim ng 2026 LCPC Functionality Assessment.

Ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2021-039, na “Comprehensive Guidelines for the Establishment, Strengthening, and Monitoring of the LCPC at All Levels and for Other Purposes,” na lahat ng LGU sa rehiyon ay tinasa batay sa kanilang pagganap sa pagsasagawa ng mga tungkulin ng LCPC.

Nakatuon ang pagtatasa sa apat (4) na pangunahing batayan: (1) Pagpapanatili ng Organisasyon; (2) Mga Patakaran at Plano para sa mga Bata; (3) Badyet para sa LCPC; at (4) Paghahatid, pagsubaybay, at pamamahala ng serbisyo para sa mga bata.

Ang Local Council for the Protection of Children o LCPC ay isang institusyonal na mekanismo na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga bata, nagpaplano at nagpapasimula o nagrerekomenda ng mga interbensyon at sumusubaybay sa mga programa at proyekto ng kabataan sa lokalidad.

29/05/2026
29/05/2026

Isang higanteng pagbati mula sa bayan ng Angono!

Buong puso nating binabati si Gerald Astorga sa kanyang tagumpay bilang Gold Medalist sa SNED Athletics - Orthopedically Handicapped on High Jump sa Palarong Pambansa 2026.

Ang iyong dedikasyon at husay ay tunay na nagbibigay inspirasyon at karangalan sa ating komunidad. Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa ating kabataan at patuloy pang makamit ang iyong mga pangarap.

Muli, congratulations at ika’y ipinagmamalaki ng bayan ng Angono, Gerald Astorga! 🏅🎉

28/05/2026
28/05/2026
28/05/2026

𝐀𝐍𝐆𝐎𝐍𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐀𝐍𝐓𝐄𝐒 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 '𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒' 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐂𝐎𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒

Itatampok sa baryang ito ang masining at engrandeng pagdiriwang ng Higantes Festival sa Angono, Rizal na ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Nobyembe.

Ika-labing isa ito sa 'Pista sa Pilipinas' Commemorative Coin Series ng Bangko Sentral ng Pilipinas na binubuo ng 12 pilak na barya. Ipinapakita sa serye ang iba’t ibang pistang kultural at panturismo ng bansa.

Isang karangalan para sa Angono na maging bahagi ng 'Pista sa Pilipinas' Commemorative Coin Series—patunay na ang ating kultura, sining, at tradisyon ay may mahalagang lugar sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng bansang Pilipino.

Ipagbunyi ang Bandila ng Pilipinas
28/05/2026

Ipagbunyi ang Bandila ng Pilipinas

Address

M. L. Quezon Avenue
Angono
1930

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Angono, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share