31/05/2026
Maraming salamat po sa lahat ππ―β€οΈ
π ππ₯ππ ππ‘π π¦ππππ ππ§ π¦π ππ‘π¬π’π‘π π ππππ¦ππππ§ ππ§ π£πππππππ¦π
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles at ni Angeles City Mayor Carmelo βJonβ Lazatin II, taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng indibidwal, organisasyon, negosyo, volunteer groups, simbahan, at iba pang mga nagkaloob ng pagkain, inumin, kagamitan, at ibaβt ibang uri ng suporta para sa ating mga responder na naka-deploy sa Search, Rescue, Retrieval, at Clearing Operations sa Brgy. Balibago.
Sa gitna ng mahaba, masalimuot, at emosyonal na operasyon, naging malaking tulong ang inyong malasakit, pagkakaisa, at kahandaang tumulong. Ang bawat pagkain, bote ng tubig, kagamitan, panalangin, at suporta ay nagsilbing dagdag na lakas at inspirasyon sa mga tauhang walang pagod na nagseserbisyo sa Ground Zero.
Ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit para sa kapwa sa panahon ng pagsubok. Ang inyong kabutihang-loob ay hindi lamang nakatulong sa ating mga responders kundi nagbigay rin ng pag-asa at lakas sa buong komunidad.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa, suporta, at patuloy na panalangin para sa lahat ng naapektuhan ng trahedyang ito.