07/10/2026
๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐ง ๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ง๐ฌ ๐๐๐จ ๐ฆ๐ ๐ข๐๐ง๐จ๐๐ฅ๐ ๐ญ๐ฎ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐๐ ๐ก๐๐ฉ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Alinsunod sa Executive Order No. 055, Series of 2026 na inilabas ni Mayor Carmelo โJonโ B. Lazatin II, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Angeles City sa Lunes, Oktubre 12, 2026 (Monday), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiestang La Naval.
Suspendido rin sa nasabing petsa ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Angeles City Local Government Unit (LGU).
Layunin ng suspensyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga Angeleรฑo at mga bisita mula sa karatig-lugar na makilahok sa mga aktibidad ng Fiestang La Naval, kabilang ang mga relihiyoso, pangkultura, heritage, at community activities.
Bahagi rin ito ng paghahanda ng Angeles City Government upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko, pamamahala ng trapiko at crowd, peace and order, emergency preparedness, sanitation, at iba pang kinakailangang serbisyo.
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐:
โข Ang mga tanggapan at ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.
โข Para sa national government offices at agencies sa Angeles City, ang suspension ng trabaho ay nakadepende sa desisyon ng kani-kanilang head of office.
โข Para naman sa private companies at offices, ang suspension ng trabaho ay hinihikayat ngunit nakadepende pa rin sa desisyon ng kanilang management o head of office.
Ang Fiestang La Naval ay isang mahalagang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na bahagi ng kasaysayan at pagkakakilanlan ng Angeles City.
Makilahok, magdiwang, at patuloy nating pahalagahan ang ating mga tradisyon habang pinananatili ang kaligtasan at kaayusan ng bawat Angeleรฑo.