Barangay Margot Information Office

Barangay Margot Information Office Official page and source of information and advisories of Barangay Margot

Barangay Margot – DRRM ReportArea of Responsibility (AOR)  Setember 8, 2026 – Agarang Aksyon  Lokasyon: Deca Clark Servi...
08/09/2026

Barangay Margot – DRRM Report
Area of Responsibility (AOR)

Setember 8, 2026 – Agarang Aksyon
Lokasyon: Deca Clark Service Bridge, Barangay Margot

Sitwasyon
Isinasagawa ang agarang pagpapatibay ng gilid ng Deca Clark Service Bridge upang maiwasan ang mas matinding pagkasira at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente at motorista. Ang hakbang na ito ay pansamantalang solusyon habang hinihintay ang mas malawak na pagkukumpuni mula sa developer.

Mga Ginawang Aksyon

- Pagpapatibay ng gilid ng tulay (embankment reinforcement).

- Paglalagay ng mga babala at harang sa paligid ng apektadong bahagi.

- Pagmomonitor ng Barangay DRRM personnel sa daloy ng trapiko at kondisyon ng tulay.

- Pagbibigay ng paalala sa mga motorista na mag‑ingat at umiwas sa sobrang bigat ng sasakyan.

Rekomendasyon

- Patuloy na mag‑ingat sa pagtawid sa tulay.

- Iwasan ang mabilis na pagpapatakbo sa DCRR Main Bridge

- Patuloy pa rin ipinagbabawal ang pag daan ng mga truck o sasakyan na may dalang mabibigat sa malaking tulay.

- Maari ng dumaan ang mga truck o mga sasakyan na may karga na mabigat sa Deca Clark Service bridge.

- Magbigay ng agarang ulat sa Barangay Margot DRRM kung may makitang karagdagang pinsala.

Sa pamumuno ni Kap Doms A. Lising Jr.

Prepared By:
Barangay Margot DRRM Emergency Response Team

Suportahan po natin siya para sa Miss Popularity Award ng Babaylan Ning Angeles!Tulungan po natin siya gamit ang ating m...
07/09/2026

Suportahan po natin siya para sa Miss Popularity Award ng Babaylan Ning Angeles!

Tulungan po natin siya gamit ang ating mga reaction at share:
❤️ Heart React = 2 Points
🔄 Photo Share = 3 Points

Tandaan: Kailangan niyo muna i-LIKE at i-FOLLOW ang official page ng Babaylan Ning Angeles para mabilang ang inyong boto!

Maraming salamat po sa inyong suporta! ❤️

𝐌𝐞𝐜𝐡𝐚𝐧𝐢𝐜𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐢𝐬𝐬 𝐏𝐨𝐩𝐮𝐥𝐚𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝

❤️ React = 2 Points
🔄 Photo Share = 3 Points

Reminder:
Only reactions and shares from accounts that have liked and followed the official Babaylan Ning Angeles page will be counted as valid votes.

Barangay Margot is honored to be represented by an exceptional candidate— Jem Mercado Baluyut —in Babaylan ning Angeles ...
07/09/2026

Barangay Margot is honored to be represented by an exceptional candidate— Jem Mercado Baluyut —in Babaylan ning Angeles 2026!

More than beauty and grace, Jem carries the spirit, vitality, and hopes of every resident of Margot. With every step on stage, she brings our community's identity and culture to light.

Let us unite, support, and stand proud with our representative. Bring home the crown, Jem!

MARAMING SALAMAT PO!Mula sa Pamahalaang Barangay ng Margot, taos-puso po kaming nagpapasalamat kina Councilor Dr. Mich B...
06/09/2026

MARAMING SALAMAT PO!

Mula sa Pamahalaang Barangay ng Margot, taos-puso po kaming nagpapasalamat kina Councilor Dr. Mich Bonifacio at Dr. Alfie Bonifacio, pati na rin sa kanilang buong medical team, sa matagumpay na pagsasagawa ng Free Tooth Extraction ngayong araw, September 6, 2026.

Salamat din po sa ating mga mamamayan sa inyong maayos na pakikiisa at pagtangkilik sa programang ito. Patuloy po kaming magsusumikap na maghatid ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo para sa ating barangay.

Hanggang sa susunod na outreach activity, mag-iingat po tayong lahat!

Ang Barangay Margot Council, sa pangunguna ni Kapitan Doms Lising Jr., ay nagpapahayag ng taos‑pusong pasasalamat kay Vi...
05/09/2026

Ang Barangay Margot Council, sa pangunguna ni Kapitan Doms Lising Jr., ay nagpapahayag ng taos‑pusong pasasalamat kay Vice Mayor Amos Rivera at Philippine Institute of Real Estate Service (PhilRES) sa ipinagkaloob na donasyon.

Ang inyong bukas‑palad na pagtulong ay isang mahalagang ambag sa patuloy na paglilingkod at pag‑unlad ng ating komunidad. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong kabutihang‑loob sa iba pang mamamayan at institusyon upang higit pang mapalakas ang ating sama‑samang adhikain para sa kapakanan ng Barangay Margot.

Ulat ng Pasasalamat para sa mga Donasyon  Barangay Margot Council  Sa pamumuno ni Kap. Doms Lising Jr.  Lubos na pasasal...
05/09/2026

Ulat ng Pasasalamat para sa mga Donasyon
Barangay Margot Council
Sa pamumuno ni Kap. Doms Lising Jr.

Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng Barangay Margot Council sa lahat ng mga indibidwal, pamilya, organisasyon, at samahan na nagpaabot ng kanilang tulong sa ating mga kabarangay. Ang inyong mga donasyon—mula sa pagkain, tubig, damit, gamot, pinansyal na suporta, at iba pang pangangailangan—ay naipamahagi sa iba’t ibang pamilyang naapektuhan ng kasalukuyang kalamidad.

Ang bawat tulong na inyong ibinahagi ay hindi lamang nagbigay ng ginhawa sa pisikal na pangangailangan ng ating mga kababayan, kundi nagbigay rin ng lakas ng loob at pag-asa sa kanilang mga puso. Sa panahon ng pagsubok, ang inyong kabutihang-loob ay naging liwanag na gumabay sa ating komunidad.

Ang Barangay Margot Council, sa pamumuno ni Kap. Doms Lising Jr., ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong malasakit. Ang inyong mga donasyon ay malinaw na patunay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan—isang haliging matibay na sumusuporta sa ating pagkakaisa at pagtutulungan.

Muli, mula sa aming puso, maraming salamat sa inyong lahat. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos sa inyong kabutihang-loob at malasakit sa kapwa.

MGA KA-BARANGAY!Magkaisa po tayo para sa kaligtasan ng ating buong komunidad. Inaanyayahan po ng ating Barangay Council ...
05/09/2026

MGA KA-BARANGAY!

Magkaisa po tayo para sa kaligtasan ng ating buong komunidad. Inaanyayahan po ng ating Barangay Council at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ang lahat sa gaganaping 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Setyembre 10, 2026, sa ganap na 2:00 ng hapon.

Pagpatak ng eksaktong alas-dos, sabay-sabay po nating isagawa ang DUCK, COVER, and HOLD sa loob ng ating mga tahanan, tindahan, at mga opisina. Ang pamilyang handa, malayo sa sakuna!

Resolution No. 12588, S‑2026 (PR‑4034‑09‑26)The Angeles City Council has enacted Resolution No. 12588, Series of 2026, f...
04/09/2026

Resolution No. 12588, S‑2026 (PR‑4034‑09‑26)The Angeles City Council has enacted Resolution No. 12588, Series of 2026, formally requesting 8990 Holdings, Inc., through its subsidiary 8990 Housing Development Corporation, to immediately repair the bridge located at Deca Clark Resort and Residences.

04/09/2026

Barangay Margot – DRRM Situation Report
Area of Responsibility (AOR)

Date/Time: September 4, 2026 – Ongoing Monitoring
Location: Service/Old Bridge (Deca Clark Bridge), Barangay Margot

Type of Incident
Structural concern requiring temporary repair and reinforcement.

Situation Overview
Barangay Margot, under the leadership of Kap. Doms Lising Jr., has undertaken proactive measures to reinforce and maintain the temporary repairs of the service/old and main bridge. This initiative is intended to safeguard residents and commuters while awaiting the developer’s completion of the full restoration of the Deca Clark Bridge.

Continuous monitoring and hazard assessment are being conducted to prevent further deterioration and ensure public safety.

Actions Taken
- Implemented reinforcement measures on the service/old and main bridge to maintain stability.
- Conducted structural monitoring and hazard assessments.
- Coordinated with the HOA and the developer for full restoration.
- Issued public advisories restricting heavy trucks and large vehicles from crossing the bridge.
- Deployed Barangay DRRM and BPATS personnel for continuous presence and incident reporting.

Temporary Mitigation Measures
- Reinforcement of the temporary repair to sustain structural integrity.
- Installation of warning signs and barricades at both bridge approaches.
- Deployment of barangay personnel and DCRR security for traffic guidance and hazard monitoring.
- Hotline coordination with Barangay Margot DRRM for immediate incident reporting.

Recommendations
- Residents and commuters are advised to exercise caution and avoid speeding on the main DCRR bridge.
- Continuous monitoring and documentation must be maintained until permanent restoration is completed.
- Heavy trucks and large vehicles are strongly discouraged from using the bridge.

Prepared By:
Barangay Margot DRRM Emergency Response Team

For Submission To: Local Government Unit (LGU) – Angeles City

Address

Barangay Margot
Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Margot Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share