07/09/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง: ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข๐ฅ๐๐ญ๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ โค๏ธ๐ซฐ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, isinagawa ang Youth Advancing Multilateral Cooperation Circuit Tour, isang learning and cultural tour na nagbigay sa mga kabataang Angeleรฑo ng pagkakataong mas makilala ang kasaysayan, kultura, pamana at mga natatanging kwento ng Angeles City.
Nakasentro ang aktibidad sa tema ng Linggo ng Kabataan na โYouth Advancing Multilateral Cooperation Through Technology and Partnership,โ na naglalayong hikayatin ang kabataan na maging aktibong katuwang sa pagbuo ng mas makabuluhang ugnayan, paggamit ng teknolohiya at pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng Angeles City SK Federation, katuwang ang Angeles City Tourism Office, naging bahagi ng circuit tour ang Pamintuan Mansion, Heritage and Research Center (HRPC), at Culinarium, kung saan mas napalalim ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kwento at pagkakakilanlan ng kanilang lungsod.
Sa Pamintuan Mansion at HRPC, nabigyan ang mga kabataang Angeleรฑo ng pagkakataong balikan ang mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng Angeles City at mas maunawaan ang papel ng heritage conservation sa pagpapanatili ng mga kwentong ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
Samantala, sa Culinarium, naging bahagi ng karanasan ng kabataan ang pagtuklas sa culinary heritage ng Angeles City. Nakilala nila ang ilan sa mga pagkaing at tradisyong sumasalamin sa kultura ng lungsod, kabilang ang mga paboritong sisig at batirol, na bahagi ng mayamang food culture ng Angeles.
Higit pa sa isang tour, nagsilbing pagkakataon ang aktibidad upang maipakita sa kabataan na ang kasaysayan at kultura ay hindi lamang bahagi ng nakaraan. Ito ay pundasyon na maaaring gamitin ng bagong henerasyon upang makalikha ng mga bagong ideya, makipag-ugnayan sa ibaโt ibang sektor at maging aktibong katuwang sa pag-unlad ng lungsod.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carmelo โJonโ Lazatin II, patuloy na sinusuportahan ng Angeles City Government ang mga programang nagbibigay sa kabataan ng pagkakataong matuto, makilahok, makipagtulungan at maging bahagi ng kinabukasan ng Angeles City.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, mas napapalakas ang pagkilala ng kabataang Angeleรฑo sa kanilang pinagmulan habang hinahanda sila na maging mas aktibo, makabago at responsableng katuwang ng komunidad.
Kabataang Angeleรฑo, kilalanin ang ating nakaraan, pahalagahan ang ating kultura, gamitin ang teknolohiya at makipagtulungan para sa mas magandang kinabukasan.