02/06/2026
๐ง๐ฎ๐๐น๐ผ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐๐ถ๐บ๐ฎ, ๐ก๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐๐๐บ๐๐ต๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฟ๐๐ธ๐๐๐ฟ๐ฎ
Balibago, Angeles City โ Tatlo pang biktima ang narekober ng mga responders mula sa gumuhong istruktura sa Barangay Balibago, ayon sa ulat ng Unified Command kay Responsible Official (RO) at Angeles City Mayor Carmelo โJonโ Lazatin II.
Batay sa report mula sa Incident Command Post, dakong alas-1:13 ng hapon nang ma-extricate ang Casualty #18, sinundan ng Casualty #19 sa alas-1:17 ng hapon, at Casualty #20 sa alas-1:19 ng hapon.
Agad na isinailalim ng City Health Office ang tamang proseso ng retrieval, tagging, at Disaster Victim Identification (DVI) ang mga narekober na labi.
Patuloy naman ang search, rescue at retrieval with clearing operations sa collapse site sa pangunguna ng Unified Command.
Maingat na inaalis ng mga responder ang mga debris habang pinalalawak ang access sa iba pang bahagi ng gumuhong istruktura upang matukoy at marating ang mga posibleng natitirang biktima.
Nanatiling nakaalerto ang lahat ng miyembro ng Unified Command habang nagpapatuloy ang 24/7 operations sa lugar sa kabila ng mga hamon na dulot ng pabago-bagong kondisyon ng panahon at maselang kalagayan ng collapse site.