29/08/2026
๐จโ ๏ธ ๐จ๐ฅ๐๐๐ก๐ง ๐๐ข๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ ๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ง๐ข โ ๏ธ๐จ
Sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng ating barangay, ang Quimut Kayanakan ay nakikiisa sa panawagan para sa agarang tulong at suporta para sa ating mga kabarangay na nangangailangan.
๐ Para sa mga nais mag-donate, maaari pong direktang dalhin ang mga donasyon sa SapangBato Peopleโs Gym. Maaari rin pong makipag-coordinate sa aming FB Page o saBarangay SapangBato, sa mga Barangay Kagawad, o sa Sangguniang Kabataan.
๐งบ MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN:
RELIEF GOODS
โข Canned goods
โข Bigas
โข Iba pang pangunahing pagkain
READY-TO-EAT FOODS
โข Rice food packs
โข Ready-to-eat meals
โข Iba pang pagkain na maaaring agad makain
HYGIENE KITS
โข Sabon
โข Toothpaste
โข Toothbrush
โข Shampoo
โข Towel
โข Iba pang personal hygiene essentials
PARA SA TULUGAN
โข Karton
โข Banig
โข Unan
โข Iba pang maaaring gamitin sa pansamantalang tulugan
QUICK RESPONSE & CLEAN-UP
โข Sako
โข First aid kits
โข Cleaning materials
โข Iba pang kinakailangang kagamitan
๐ธ Mahalaga rin ang inyong impormasyon.
Kung mayroon kayong videos o pictures ng mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyon, maaari po itong i-comment sa post na ito. Pakilagay po ang eksaktong lokasyon upang makatulong sa pag-monitor at pagtukoy sa mga high-risk areas.
๐ค PARA SA ATING MGA KABATAAN
Kaugnay ng kasalukuyang sitwasyon, humihingi po kami ng pang-unawa sa pagkansela ng mga aktibidad ng SK para sa Linggo ng Kabataan. Ang mga nasabing aktibidad ay ating muling bibigyang saysay sa pamamagitan ng mga gawaing mas makatutulong sa ating komunidad sa panahong ito.
Bilang kabataan, hindi lamang tayo tagamasid sa panahon ng krisis. Tayo ay maaaring maging bahagi ng solusyon.
Ang Quimut Kayanakan, katuwang ang mga youth volunteers, ay bumubuo ng Youth Task Force upang magbigay ng karagdagang tulong at suporta sa ating komunidad.
๐ Sa lahat ng kabataang nais tumulong on the ground, kabilang ang mga miyembro ng Quimut Kayanakan, SK, mga aspiring SK members, at iba pang youth volunteers, maaari po kayong mag-PM sa aming page upang makapag-coordinate at makasama sa ating mga gawain.
๐ Kung kayo o ang inyong pamilya ay nangangailangan ng agarang tulong, mangyaring mag-comment sa post na ito o mag-PM sa aming page. Pakilagay ang inyong pangalan, eksaktong lokasyon, uri ng pangangailangan, at contact number upang mas mabilis kayong maabot at matulungan. Maaari rin pong makipag-ugnayan sa Barangay SapangBato, sa mga Barangay Kagawad, o sa Sangguniang Kabataan.
Sa panahon ng pangangailangan, bawat donasyon, bawat kamay na tumutulong, at bawat impormasyong ibinabahagi ay may halaga.
SapangBato, sama-sama tayong babangon.
๐ค๐ Kabataan para sa Komunidad. Komunidad para sa Kabataan.
Keep safe, everyone, and God bless us all. ๐๐ป