Mary Hope Dopya Reyes

Mary Hope Dopya Reyes Kagawad Mary Hope “MK DOPYA” Reyes

May 7, 2026, matagumpay na isinagawa ang A Mother’s Day Special & Birthday Community Pantry na handog ni Kagawad Mary Ho...
07/05/2026

May 7, 2026, matagumpay na isinagawa ang A Mother’s Day Special & Birthday Community Pantry na handog ni Kagawad Mary Hope “Dopya” Reyes para sa mga dakilang Ina ng Lourdes Sur East. 🌸

Sa pamamagitan ng programang ito, nakapagbahagi ng tulong at kasiyahan si Kagawad Dopya kasama ang Team Dopya Reyes bilang simpleng pasasalamat sa pagmamahal at sakripisyo ng bawat ina sa ating komunidad. 💖

Sa isinagawang distribution, present sina SK Chairman Verano Conese, Kagawad Doro Conese, Kagawad Rose Paras, Mr. Noel Nuqui, Mr. Bon Mangulabnan, Mr. Bbone Manalang, Mr. Enden De Leon, Youth Volunteer Ms. Cheska Conese, at Mr. Raimon Navarro na tumulong upang maging maayos at matagumpay ang programa.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta! ✨

A Mother’s Day Special & Kagawad Dopya Birthday Community Pantry 🌸Handog ni Kagawad Mary Hope “Dopya” Reyes para sa mga ...
06/05/2026

A Mother’s Day Special & Kagawad Dopya Birthday Community Pantry 🌸

Handog ni Kagawad Mary Hope “Dopya” Reyes para sa mga dakilang Ina ng Lourdes Sur East—isang munting pasasalamat at pagbibigay-pugay sa inyong walang sawang pagmamahal at sakripisyo. 💖

Kasama ang Team Dopya Reyes, sama-sama nating ipagdiriwang ang araw na ito ng pagbibigayan at pagkakaisa.

📅 May 7, 2026
⏰ 7:00 AM
📍 Natividad St. Lourdes Sur East
⚠️ First Come, First Serve Basis

Kita-kits po tayo! 🌸

Last April 23, 2026, inabot ng Team Dopya Reyes sa pangunguna ni Kagawad Mary Hope “Dopya” Reyes ang Fuel Subsidy para s...
30/04/2026

Last April 23, 2026, inabot ng Team Dopya Reyes sa pangunguna ni Kagawad Mary Hope “Dopya” Reyes ang Fuel Subsidy para sa mga PUJ Drivers ng Lourdes Sur East. Layunin ng programang ito na makatulong sa mga tsuper sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at upang maibsan ang kanilang araw-araw na gastusin sa pamamasada.

Kasama sa programang ito sina SK Chairman Verano Conese, Kagawad Pamela Cura, Kagawad Doro Conese, Kagawad Arjay Pangan, Kagawad Rose Paras, Mr. Noel Nuqui, Mr. Bon Mangulabnan, Mr. Enden De Leon, Mr. Bbone Manalang, at Ms. Cheska Conese-Tubig na sama-samang tumulong upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad.

Patunay ang programang ito ng pagkakaisa at malasakit ng ating mga lider at ng buong komunidad sa pagbibigay suporta sa ating mga PUJ drivers na patuloy na nagsisilbi sa ating mga kababayan. Patuloy po nating suportahan ang mga ganitong inisyatibo para sa mas maunlad at mas matatag na Lourdes Sur East.

Last April 21, 2026 (Monday), matagumpay na isinagawa ng Team MK Dopya sa pangunguna ni Kagawad Mary Hope “MK Dopya” Rey...
24/04/2026

Last April 21, 2026 (Monday), matagumpay na isinagawa ng Team MK Dopya sa pangunguna ni Kagawad Mary Hope “MK Dopya” Reyes ang LIBRENG GASOLINA PARA SA MGA TRICYCLE DRIVERS. Layunin ng programang ito na makapagbigay ng agarang tulong sa ating mga tsuper sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, upang maipagpatuloy nila ang kanilang hanapbuhay at masustentuhan ang kanilang mga pamilya.

Kasama ni MK Dopya na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang programang ito sina Kagawad Pamela Cura, Kagawad Doro Conese, Kagawad Arjay Pangan, Kagawad Rose Paras, SK Chairman Verano Conese, Mr. Noel Nuqui, Mr. Bon Mangulabnan, Mr. Enden De Leon, Mr. Bbone Manalang, at Ms. Cheska Conese-Tubig.

Ang simpleng inisyatibong ito ay patunay ng malasakit at pagkakaisa ng ating mga lider at mamamayan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, naipapakita na sa panahon ng pangangailangan, walang iwanan—sama-sama sa pagbangon at pagtulong sa kapwa.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Patuloy po tayong maglingkod para sa mas maayos at mas progresibong komunidad. 🫡⛽️

Noong March 20, 2026, personal na iniabot ni Kagawad Mary Hope ‘MK DoPya’ Reyes ang kanyang sariling Bluetooth Speaker s...
16/04/2026

Noong March 20, 2026, personal na iniabot ni Kagawad Mary Hope ‘MK DoPya’ Reyes ang kanyang sariling Bluetooth Speaker sa LSE Zumba Ladies. Napansin ni Kagawad MK Dopya na wala pang sariling speaker ang grupo sa kanilang mga session, kaya’t minabuti niyang i-donate ito upang mas maging maayos at masigla ang kanilang mga aktibidad. Ito ay pormal na tinurn-over kay Ms. Madel Del Rosario, isa sa mga miyembro ng grupo.

Ang LSE Zumba Ladies ay isang samahan na binuo ni Kagawad Arjay Pangan para sa mga kabarangay na nais mag-Zumba, at patuloy na sinusuportahan ni Kagawad MK Dopya. Isang simpleng tulong na nagdudulot ng mas masiglang komunidad at aktibong pamumuhay.

April 13, 2026, dumalo si Kagawad Mary Hope “MK Dopya” Reyes sa 4th Monthly Regular Session ng Barangay Lourdes Sur East...
13/04/2026

April 13, 2026, dumalo si Kagawad Mary Hope “MK Dopya” Reyes sa 4th Monthly Regular Session ng Barangay Lourdes Sur East. Present sa session sina Kapitan Fred Bulaun, Kagawad Pamela Cura, Kagawad Doro Conese, Kagawad Arjay Pangan, Kagawad Rose Paras, at SK Chairman Verano Conese, kasama sina Sec. Loyd Nicdao at Treas. Teresa Pingul.

Tinalakay sa pulong ang mga donasyong CCTV at ang posibleng pag-purchase ng ambulansya para sa barangay. Inilahad din ni Kagawad MK Dopya ang nalalapit na Flores de Mayo bilang bahagi ng mga susunod na aktibidad.

Gayundin, inawardan si Sec. Loyd Nicdao ng ACBASA, kasama ang mga kapwa niya Barangay Secretary mula sa Mining, Malabanias, at LNW.

Patuloy ang sama-samang pagkilos ng mga opisyal para sa mas maayos, ligtas, at progresibong Lourdes Sur East.

✝️🙌🏻
03/04/2026

✝️🙌🏻

March 30, 2026, Lunes Santo — Sa ngalan ni Kagawad Mary Hope “MK DOPYA” Reyes, personal na inabot nina SK Chairman Veran...
02/04/2026

March 30, 2026, Lunes Santo — Sa ngalan ni Kagawad Mary Hope “MK DOPYA” Reyes, personal na inabot nina SK Chairman Verano Conese at Ms. Cheska Conese ang donasyon para sa Pabasa sa Tramo-LSE at sa Purok 5 Pabasa.

Ang simpleng tulong na ito ay alay para sa pagpapatuloy ng tradisyon ng Pabasa tuwing Mahal na Araw—isang gawain ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagtutulungan ng bawat komunidad. Nawa’y makatulong ito sa maayos at mataimtim na pagdaraos ng kanilang Pabasa.

Kahapon, March 29, 2026, nagsagawa ng pagdidilig ng lupa ang TEAM DOPYA bilang paghahanda para sa PABASA 2026 – Tramo. I...
30/03/2026

Kahapon, March 29, 2026, nagsagawa ng pagdidilig ng lupa ang TEAM DOPYA bilang paghahanda para sa PABASA 2026 – Tramo. Ito ay tugon sa kahilingan ng mga residente upang masigurong maayos, malinis, at komportable ang lugar para sa nalalapit na aktibidad.

Pinangunahan ito nina Kagawad Doro Conese, Mr. Noel Nuqui, Mr. Eden De Leon, at Mr. Bon Mangulabnan. Katuwang sa operasyon ang LION FIRE AND RESCUE na patuloy na nagpapakita ng suporta sa bawat programa ng TEAM DOPYA.

Nagbigay din ng tulong at konting disenyo para sa lugar sina SK Chairman Verano Conese at Youth Volunteer na si Ms. Cheska Conese upang mas maging maayos at kaaya-aya ang setup ng PABASA.

Sa tulong ng sama-samang pagkilos at malasakit ng bawat isa, mas napapadali ang paghahanda para sa mga aktibidad ng komunidad. Maraming salamat sa ating mga masisipag na volunteers at sa lahat ng tumutulong upang maging maayos at matagumpay ang ating PABASA 2026. Sama-sama nating ipagpatuloy ang bayanihan para sa mas maunlad at nagkakaisang komunidad.

Address

Lourdes Sur East
Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mary Hope Dopya Reyes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share