Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag

Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag Sa serbisyong Binagbagueño, hindi tayo mabibigo at tuluyan pang aasenso! ☝️

08/09/2026

HAPPENING NOW! Best of Luck Binagbag National High School (BNHS) Debate Team

PROPOSITION: Should the Philippines shift from a Presidential to a Parliamentary System of Government to Strengthen Political Party Accountability?

📢 𝐉𝐔𝐑𝐈𝐒𝐐𝐔𝐄𝐒𝐓: 𝐓𝐇𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐃𝐄𝐁𝐀𝐓𝐄𝐒

The Angat Local Youth Development Council (LYDC) and Sangguniang Kabataan Federation of Angat proudly present JurisQuest: The 2026 Interschool Debates as part of the 2026 Boys' and Girls' Week Celebration!

Binagbag National High School (Negative)

• Christine Joy M. Feliciano (1st Speaker)
• Edmundo B. Cruz (2nd Speaker)
• Leona Marie E. Acot (3rd Speaker)

BE A VOICE FOR GOOD GOVERNANCE KABATAANG BINAGBAGUEÑOS!

𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗠𝗘𝗘𝗧 - 𝘽𝘼𝙎𝙆𝙀𝙏𝘽𝘼𝙇𝙇 𝙏𝙊𝙐𝙍𝙉𝘼𝙈𝙀𝙉𝙏✅Ngayong araw, ika-7 ng Setyembre ay matagumpay nating nat...
07/09/2026

𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗠𝗘𝗘𝗧 - 𝘽𝘼𝙎𝙆𝙀𝙏𝘽𝘼𝙇𝙇 𝙏𝙊𝙐𝙍𝙉𝘼𝙈𝙀𝙉𝙏✅

Ngayong araw, ika-7 ng Setyembre ay matagumpay nating natapos ang pagsasagawa ng 5v5 & 3x3 Basketball Tournament na parte ng Angat District Meet kung saan nagtagisan ang mga estudyante ng bawat elementarya ng buong munisipalidad ng Angat.

Nagpapasalamat ang buong SKB kina Prinicipal Tirso De Lara Pascual at Principal Angelo Sotto De Leon sa pagpili sa ating palaruan bilang venue ng nasabing patimpalak.

Ito ay patunay lamang na welcome ang lahat sa ating covered court kahit hindi ka taga-Binagbag. Ito ay buwis ng pangkalahatan at hindi ng iilan lamang.

Kung inyong matatandaan, ito ay pangalawang beses nang ginawa sa ating barangay kung saan ginanap ito nung una last 2024. Sa uulitin po! Kita-kits sa Eddis Meet! 🙏🏼


“𝙄𝙣 𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮 𝙨𝙪𝙛𝙛𝙚𝙧𝙞𝙣𝙜𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙖𝙘𝙧𝙞𝙛𝙞𝙘𝙚𝙨, 𝙞𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙚𝙣𝙙 - 𝙩𝙝𝙚𝙧𝙚 𝙞𝙨 𝙖 𝙗𝙡𝙚𝙨𝙨𝙞𝙣𝙜.” - 𝙁𝙖𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙅𝙤𝙨𝙝𝙪𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙞𝙗𝙖𝙣 🙏𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 ...
01/09/2026

“𝙄𝙣 𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮 𝙨𝙪𝙛𝙛𝙚𝙧𝙞𝙣𝙜𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙖𝙘𝙧𝙞𝙛𝙞𝙘𝙚𝙨, 𝙞𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙚𝙣𝙙 - 𝙩𝙝𝙚𝙧𝙚 𝙞𝙨 𝙖 𝙗𝙡𝙚𝙨𝙨𝙞𝙣𝙜.” - 𝙁𝙖𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙅𝙤𝙨𝙝𝙪𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙞𝙗𝙖𝙣 🙏

𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍. 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐒𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐋𝐀 𝐊𝐔𝐍𝐃𝐈 𝐏𝐀𝐍𝐆-𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍.

Mapapalitan ang mga pangalan at larawan. Pero, ang isang tahanang nakalaan para sa kabataan, maaaring magtagal basta mapapangalagaan.

Mula sa sulat-kahilingan na hindi inaasahang mapagbibigyan. Patungo sa isang bago at bukas para sa lahat na tahanan na magagamit hindi lang ng aming Sanggunian kundi pati ng buong Kabataang Binagbagueños na nangangailangan.

Nakaraang araw ng Linggo, ika-30 ng Agosto ay ating matagumpay na napa-basbasan ang ating Newly-Renovated Youth Center of Barangay Binagbag courtesy of Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag. Kami ay nagpapasalamat kay Father Joshua Panganiban ng Sta. Rita de Cascia Parish sa pagpapaunlak upang sa gayon ay mas magabayan ng ating Panginoon ang bagong opisina na mayroon tayo sa ating barangay.

Ito ay alinsunod din sa “𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗦𝗽𝗮𝗰𝗲𝘀 𝗔𝗰𝘁” na siyang ipinapatupad ng ating Provinicial Government of Bulacan. Isinagawa ito upang magsilbing bagong espasyo para sa bawat Kabataang Binagbagueño na mangangailangan lalo’t higit para sa edukasyon.

Sa loob ng opisinang ito ay mayroong 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆/𝗥𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗲𝗮 kung saan maaari itong gamitin ng mga kabataan sa oras ng pagrereview o kung ano man.

Mayroon din tayong 𝗖𝗼𝗺𝗽𝘂𝘁𝗲𝗿 𝗟𝗮𝗯 kung saan maaari itong magamit ng mga estudyante at kabataang nangangailangan para sa mga research purposes at iba pa na nangangailangan ng devices para sa documents.

May 𝗣𝗿𝗶𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗲𝗮 din tayo para mabawasan ang mga gastos ng mga estudyante o kabataan na kailangan magprint ng iba’t-ibang dokumento.

At panghuli, mayroon tayong 𝗦𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗛𝗮𝗹𝗹 na hindi lang pang-Sangguniang Kabataan. Maaari itong hiramin/gamitin ng kahit na sinong organisasyon, samahan o gruop na pang-kabataan ang nangangailangan.

Hiling namin ay ramdam niyo ang aming pagdinig at buong-pusong pagseserbisyo para sa inyo. Hiling lang din namin ay pangalagaan natin ang mga kagamitan at ang lugar mismo na ito na pwedeng gamitin ng kahit na sino.

Tara sa isang makabago, maunlad, at mapagmalasakit na pamamahala sa ating barangay na hindi lang nakatuon sa ngayon - kundi pati na rin sa sa mga susunod pang panahon at henerasyon.

LNK DONE MGA KABATAAN! Maraming salamat sa inyong pagsuporta. Ramdam namin kayo, at sana’y ramdam niyo din kami.



𝘔𝘈𝘓𝘐𝘎𝘈𝘠𝘈𝘕𝘎 𝘈𝘙𝘈𝘞 𝘕𝘎 𝘗𝘈𝘎𝘛𝘈𝘛𝘈𝘗𝘖𝘚 𝘕𝘎 𝙇𝙄𝙉𝙂𝙂𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝘽𝙄𝙉𝘼𝙂𝘽𝘼𝙂 - 𝘽𝙄𝙉𝘼𝙂𝘽𝘼𝙂𝙐𝙀𝙉̃𝙊𝙇𝙔𝙈𝙋𝙄𝘾𝙎 🏟️Sakto ika-31 ng Agosto...
01/09/2026

𝘔𝘈𝘓𝘐𝘎𝘈𝘠𝘈𝘕𝘎 𝘈𝘙𝘈𝘞 𝘕𝘎 𝘗𝘈𝘎𝘛𝘈𝘛𝘈𝘗𝘖𝘚 𝘕𝘎 𝙇𝙄𝙉𝙂𝙂𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝘽𝙄𝙉𝘼𝙂𝘽𝘼𝙂 - 𝘽𝙄𝙉𝘼𝙂𝘽𝘼𝙂𝙐𝙀𝙉̃𝙊𝙇𝙔𝙈𝙋𝙄𝘾𝙎 🏟️

Sakto ika-31 ng Agosto, pagtatapos ng Buwan ng Kabataan ay natapos din tayo sa ating pagsasagawa ng sa ating mahal na Barangay Binagbag.

Narito ang mga Kabataang Binagbagueño na naki-isa sa ating Linggo ng Kabataan sa Barangay Binagbag sa mga aktibidad/programa ng:

𝗲-𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻! 𝗲-𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗴𝗮𝗺𝗲𝘀, 𝗴 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗱𝗶𝘆𝗮𝗻 - 𝗠𝗼𝗯𝗶𝗹𝗲 𝗟𝗲𝗴𝗲𝗻𝗱𝘀 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁

𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗟𝗜𝗡𝗢 - 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗴𝘂𝗲𝗻̃𝗼

𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻

𝗕𝗜𝗡𝗚𝗢 𝗕𝗢𝗡𝗔𝗡𝗭𝗔 - 𝗦𝘄𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗠𝗼? 𝗕𝗮𝗸𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗕𝗜𝗡𝗚𝗢!

Muli ay nagpapasalamat kami sa lahat ng Kabataang Binagbagueños na nakiisa, nakibahagi, sumuporta at nagbigay ng oras para sa mahalagang pagdiriwang natin na ito. Sa uulitin mga kabataan! Mahal kayo ng mga SK ng Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag.



31/08/2026

BINGO BONANZA NA! ANO, TARA? 🅱️

31/08/2026

TARA NAPO KAYO, BINGO BONANZA NA! 📣

𝙏𝘼𝙂𝙄𝙎𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙇𝙄𝙉𝙊 - 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙉𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙞𝙣𝙖𝙜𝙗𝙖𝙜𝙪𝙚𝙣̃𝙤 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕...
31/08/2026

𝙏𝘼𝙂𝙄𝙎𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙇𝙄𝙉𝙊 - 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙉𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙞𝙣𝙖𝙜𝙗𝙖𝙜𝙪𝙚𝙣̃𝙤

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗴. 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝘁𝗮𝗸 𝗮𝘁 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗴𝘂𝗲𝗻̃𝗼 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗸𝗼. 𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻. 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢 𝗜𝗧𝗢🙏🏻

Mga ka-barangay. Narito ang mga kabataang nagpahayag at in-endorso para sa mga kategoryang mayroon tayo sa ating programang nabanggit. Isa sa bawat kategorya ang pipiliin, ngunit hindi nangangahulugang kapag hindi napili ay hindi karapat-dapat. Isinakatuparan natin ang programang ito para mabigyang-halaga ang kontribusyon ng bawat Kabataang Binagbagueños sa komunidad na ating kinabibilangan. Sa Binagbag mo man ginawa o sa ibang lugar, ang mahalaga, dugong Binagabagueño ka saan ka man magpunta.

Pagkakataon na parang bigyang-halaga naman ang mga kabataang malaki din ang parte sa lipunan natin lalo na ngayon na iba't-ibang suliranin ang ating kinakaharap. Walang ibang mamumuno sa atin sa mga susunod na panahon kundi tayo lang ding mga kabataan. Kaya't habang may pagkakataon, gawin natin ito ng tama.

Alam naming mas marami pang kabataan na hindi lumahok ang may pagkakataong maglayag ng kanilang sarili. Proud kami sa inyo. Salamat sa lahat ng mga lumahok at sa lahat ng mga Kabataang nasa tama. Ipinagmamalaki kayo ng Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag.



𝘽𝙄𝙉𝙂𝙊 𝘽𝙊𝙉𝘼𝙉𝙕𝘼 𝙉𝘼, 𝙏𝘼𝙍𝘼!𝗟𝗮𝘀𝘁 𝗱𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗻𝗞2026 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻. 𝗧𝗮𝗿𝗮, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗻𝗴𝗼 𝗕𝗼𝗻𝗮...
31/08/2026

𝘽𝙄𝙉𝙂𝙊 𝘽𝙊𝙉𝘼𝙉𝙕𝘼 𝙉𝘼, 𝙏𝘼𝙍𝘼!

𝗟𝗮𝘀𝘁 𝗱𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗻𝗞2026 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻. 𝗧𝗮𝗿𝗮, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗻𝗴𝗼 𝗕𝗼𝗻𝗮𝗻𝘇𝗮 𝗮𝘁 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻.

4:00PM - Bingo Bonanza (Covered Court)
5:00PM - Awarding Ceremony (Youth Center)

Inaanyayahan po namin ang lahat ng Kabataang Binagbagueños na makiisa at kami'y samahan sa pagtatapos ng ating sa pamamagitan ng pagsali sa ating Bingo Bonanza kung saan maaari kang manalo ng 300 pesos to 2,000 pesos ng walang binabayaran kahit piso! Libre ang cards natin mga ka-barangay basta 15 YEARS OLD to 30 YEARS OLD ka.

Ganito ang sistema:

- Magbibigay lang kami ng cards once nasa covered court ka na. Walang reservations kasi need mo muna mag-fill up sa entry forms bago ka makakuha ng cards. 2 cards per person lang po tayo.

- Dala kayo ng sarili ninyong panantos. Mayroon tayong 20 rounds sumatotal:

10 ROUNDS for 300 PESOS WINNERS
8 ROUNDS for 500 PESOS WINNERS
2 ROUNDS for 2,000 PESOS BLACKOUT WINNERS

- Kung sakaling maulan ay pagkakasyahin natin ang ating mga sarili sa loob ng Barangay Session Hall upang maging safe ang ating Bingo Bonanza.

Hinihikayat din namin ang lahat ng Poster Making Winners and Tagisan ng Talino Aspirants na magpunta at makiisa dahil pagkatapos ay diretso tayo sa Awarding Ceremony ng nasabing mga patimpalak.

Maraming salamat Kabataang Binagbagueños. Para sa inyo 'to kaya sana ay sulitin ninyo ang pagsali. Huling araw na lang at matatapos na tayo sa ating selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2026 - BinagbagueñOlympics! TARA 🤙🏻



30/08/2026

Game 3: FINALS - TBG vs. AKII

BEST OF SEVEN

e-Sangguni ang Kagustuhan! e-Sports games, g tayo diyan! - Mobile Legends Tournament

Address

Binagbag
Angat
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Brgy. Binagbag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share