31/10/2023
Ang buong araw natin kahapon ay punong-puno ng pag-asa at pangarap ngunit ito ay nagwakas sa isang malungkot at malamig na gabi. Sa maikling panahon na kami ay nagpakilala nakita namin ang init ng inyong pagtanggap at pagsuporta sa aming partido. May mga tao man na nagsasabi ng hindi magagandang salita laban sa amin, hindi nito nahadlangan ang aming hangarin na maging karapat-dapat at maging tapat na lingkod ng ating Barangay.
Nakakalungkot isipin na kung may sampung Kabataan, siyam ang may matibay na kredebilidad at isa ang sikat, pipiliin parin ng madami kung sino ang sikat.
Isang patunay na ang PARTIDONG KAAKBAY ay ang mga Kabataang ipinagkait ng karamihan upang ang bayan ay tapat na mapaglingkuran. Hindi man pumabor ang nangyaring eleksyon sa aming hangarin at pangarap, hindi parin nito mababago ang katotohanang βAng MAYKAPAL ang gumagawa ng kapalaran at hindi ang TAOβ. Kami ay lumaban ng malinis, patas at tapat. Mga bagay na mahirap ipaliwanag at mga tanong na mahirap sagutin.
Labis kaming nagpapasalamat sa lahat ng bumoto, at nagpahatid ng kanilang suporta sa Team Kevin. Sa lahat ng Kabataan na tumindig at naniwala, Maraming Salamat po. Sa lahat ng mga pribadong idibidwal na nagpahatid naman ng kanilang tulong, Maraming Salamat po. Sa aming mga magulang na simula ng kami ay magpahayag ng aming kandidatura ay nandiyan sa aming likuran na nagtitiwala, Maraming Salamat po. Sa bawat isa sa aming partido, mula sa kagawad at sa aming Chairman, Kevin Manuel na nagsimulang mangarap na simulan muli ang pag-angat ng Kabataang NiugaoeΓ±o, Maraming Salamat po.
Tuloy parin ang buhay. Tuloy pa rin ang pangarap para sa ating Barangay Niugan na "sana" ang naihalal ang tumupad.
Muli, kami ang makabagong Kabataang Tumindig para sa ating Barangay Niugan. Maraming Salamat po.
LAGI LAGI, PARA SA BAYAN!