Angat Municipal Planning and Development Office

Angat Municipal Planning and Development Office The Municipal Planning and Development Office (MPDO) serves as the backbone of a Local Government Unit.

It mandates and functions are: Formulate economic, social, physical and other development plans and policies for consideration of the local government. (1) Formulate integrated economic, social, physical, and other development plans and policies for consideration of the local government development council;
(2) Conduct continuing studies, researches, and training programs necessary to evolve plans

and programs for implementation;
(3) Integrate and coordinate all sectoral plans and studies undertaken by the different functional groups or agencies;
(4) Monitor and evaluate the implementation of the different development programs, projects, and activities in the local government unit concerned in accordance with the approved development plan;
(5) Prepare comprehensive plans and other development planning documents for the consideration of the local development council;
(6) Analyze the income and expenditure patterns, and formulate and recommend fiscal plans and policies for consideration of the finance committee of the local government unit concerned as provided under Title Five, Book II of this Code;
(7) Promote people participation in development planning within the local government unit concerned;

17/08/2025
CSO accreditation isn't just a stamp of approval, it is our commitment to the people for participative governance. It si...
28/07/2025

CSO accreditation isn't just a stamp of approval, it is our commitment to the people for participative governance. It signifies a government that genuinely listens, represents, and actively involves citizens towards progress, transforming governance into a shared journey, not a solitary path.

Inaanyayahan ang mga Civil Society Organizations (CSOs) sa bayan ng Angat para sa ACCREDITATION ng kanilang samahan.

Ang akreditasyon na ito ay isang proseso kung saan ang isang organisasyon ay sinusuri at kinikilala kung nakakatugon sa mga tiyak na pamantayan ng kalidad na itinakda. Sa pamamagitan ng akreditasyon, maaaring maging bahagi ng local special bodies na binubuo sa Pamahalaang bayan ng Angat ang isang accredited organization. Narito ang mga REQUIREMENTS para dito:
- Letter of Application
- Duly Accomplished Application Form for Accreditation (maaringmakakuha ng kopya sa MPDO o ma-download ang file sa link na ito: https://drive.google.com/file/d/1zuGkHwP56530wJ5UsRD4AYypnLVrsh-L/view?usp=sharing )
- Duly approved Board Resolution signifying intention for accreditation for representation in local special body/ies
- List of current officers
- Additional Requirements for CSOs operating for more than 1 year:
o 2024 Minutes of Annual Meeting as certified by the organization’s board secretary or Certification from the board secretary certifying the annual meeting’s conduct (stating the date, location, attendees and agenda).
o 2024 Annual Accomplishment Report
o 2024 Annual Financial Statement, at the minimum, signed by the executive officers of the organization indicating the revenue, expenses and the source(s) of funds

Para sa anumang katanungan/paglilinaw/dagdag na impormasyon, maaaring hanapin si G. Vladimir Trinidad ng MPDO o mag-mensahe sa page ng MPDO Angat (mpdo.angat3012).

20/07/2025

Habang papalayo si Crising sa Pilipinas ay nakaranas pa rin tayo ngayong maghapon ng pabugso bugsong pag-ulan dulot ng Habagat. Batay sa weather forecast ng PAGASA, makakaranas pa rin bukas ng pabugso bugsong pag-ulan dahil pa rin sa Habagat. Dahil dito, batay sa pagtitimbang ay minabuti nating isuspinde na rin muna ang face to face classes sa lahat ng antas ng paaralang pampubliko at pribado upang makatiyak sa kaligtasan at ingatan ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Gayunman, ipinapaalala lamang sa mga kabatang estudyante na huwag gawing bisyo ang pagpapasuspinde ng klase. Ang pagsusupinde ng klase ay may mga basehan. Hindi dahil nagsuspinde ang ibang bayan ay magsususpinde na din tayo. Iba iba ang kalagayan ng bawat bayan. Ang suspensyon ng klase ay dumadaan sa masusing pag-aaral ng mga otoridad at tinitimbang nang mabuti, hindi ito nakabatay lang sa pansariling kagustuhan ng Punong Bayan.

Nakakalungkot din na lumalabis na rin ang pagbibitaw ng mga bastos na pananalita ng ilang mga estudyante sa kanilang mga mensahe. Nakikipagbiruan din naman ako sa inyo pero dapat malinaw sa atin ang hangganan ng pagbibiro. Malinaw din dapat sa atin na ang inyong pag-aaral ay dapat binibigyang-prayoridad. Isulit natin ang pagsisikap at paghihirap ng inyong mga magulang na mapag-aral kayo.

Ingat po ang lahat!

13/01/2024

PAALALA: WALANG PASOK! Ipinahayag ng Malacañang na SPECIAL (NON-WORKING) DAY ang January 23, 2024 (Martes) sa buong Lalawigan ng Bulacan alinsunod sa Proclamation No. 428.

Ito ay isang espesyal na araw at paggunita sa anibersaryo ng inagurasyon ng Unang Republika ng Pilipinas na naganap sa Barasoain Church, Malolos, Bulacan. Ang pagdedeklara ng special holiday ay pagpapakita ng paggalang at pagkilala sa kahalagahan ng araw na ito sa kasaysayan ng ating bansa.

13/01/2024

Tinanghal ang Bayan ng Angat bilang isa sa sampung bayan sa buong Pilipinas, at nag-iisang bayan mula sa Gitnang Luzon, na finalist sa National Disaster Resilience Champion Awards. Ang pagkilalang ito ay isang pagpapatunay sa ating pagkakaisa at determinasyon na maging handa at matatag sa oras ng kalamidad.

Ipinapakita natin ang kahalagahan ng pagsasanay, paghahanda, at maayos na pamamahala sa oras ng kalamidad. Ang bawat hakbang na ating isinusulong para sa kaligtasan ay nagbunga ng isang mas matibay na komunidad. Mahalaga ang ating ginagawang hakbang upang siguruhing ang bawat isa sa atin ay ligtas at handa sa anumang pagsubok.

Higit pa sa anumang karangalan, pinakamahalaga ang kaligtasan at buhay ng bawat isang Angatenyo. Patuloy tayong magtutulungan para sa isang mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na bayan. At ito ang naging isa sa mga susi sa pagkakamit ng maipagmamalaking karangalang ito! Congratulations, Angatenyo!

Isang paalala para sa mga mamayan ng Angat.Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay walang inaaprubahan o pinapahintulutan na l...
18/11/2023

Isang paalala para sa mga mamayan ng Angat.

Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay walang inaaprubahan o pinapahintulutan na land development or subdivision project. Kung mayroon man mag-alok o magbenta ng lupa mangyaring kumunsulta sa ating Municipal Assessors Office upang masigurong lehitimo ang mga binebentang lupa.

Para naman sa mga nakabili na ng hindi lehitimong lupa sa mga subdivision, maari kayong magpunta sa ating munisipyo upang kayo ay matulungan at magabayan.

Narito ang mga dokumentong maaari nating hingin upang siguruhing lehitimo ang bentahan ng lupa:

27/10/2023

Mamaya po sa ating UNANG GABI ♥️
Tugtugan at kantahan with NOKTURNA BAND!
Tara na at isama ang buong pamilya at barkada.



27/10/2023

Address

Angat
3012

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639066567777

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angat Municipal Planning and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Angat Municipal Planning and Development Office:

Share