19/10/2023
LET’S THINK BIG, STA. LUCIA!
Ang laban ng grupong LTB ay laban ng mamamayan Sta. Lucia upang sugpuin ang takot, paninikil, panlilinlang na namamayani sa ating barangay. Panahon na upang makamit ng mga mamamayan ng Sta. Lucia ang maayos na serbisyong dapat ay inihahatid ng Sangguniang Barangay. Panahon na upang palawakin ng mga mamamayan ng Sta. Lucia ang kanilang isip at pandama. Mahirap ka man o mayaman, nasa iyo ang KARAPATAN na mag-isip at magpasya kung ano ang makakabuti para sa pangkalahatan Sukatin at timbangin ang PLATAPORMA at hindi ang mga propaganda na ang halalan ay labanan ng mahirap at mayaman. Sapagkat sa mata ng Dakilang Lumikha, ang lahat ng tao ay pantay pantay anuman ang iyong katayuan sa buhay.
ANG AMING PLATAPORMA:
* Pagyamanin ang angking potensyal ng bahagi ng Ilog Angat na bumabaybay sa barangay habang tinitiyak na napananatili ang kalinisan at kagandahan nito;
*Tiyakin ang kalusugan ng mga kabarangay sa pamamagitan ng pagpapaigting pa ng programang aming pinasimulan ni Mayor Jowar noon pa mang bago pumutok ang pandemyang COVID-19—ang Angat Kalusugan;
* Bigyang-prayoridad ang kapakanan at kalagayan ng sektor ng magsasaka at sumuporta sa mga programang makakatulong upang mapaunlad ang pagsasaka, sa gayon ay makapag-ambag ang Barangay Sta. Lucia sa pagtitiyak ng seguridad sa pagkain ng ating bayan at bansa;
* Lingapin ang sektor ng kabataan at maglunsad ng mga programa at proyektong maglilihis sa kanila sa mga ipinagbabawa na gamot at iba pang bisyo;
* Bigyang-prayoridad ang mga marginalized sectors (senior citizens, PWD, solo parents at iba pang bulnerableng sektor) sa paglalaan ng serbisyong panlipunan;
* Tiyakin na anumang pondo mula sa income-generating activities ng barangay ay pumapasok sa kaban ng Pamahalaang Barangay at napapakinabangan ng mamamayan. Isusulong ang TRANSPARENCY at ACCOUNTABILITY sa Pamahalaang Barangay;
* Tiyakin na ang Pamahalaang Barangay ay maging bukas para sa lahat ng mga mamamayan ng Sta. Lucia at burahin ang takot, pangamba at negatibong konsepto ng mamamayan ukol sa Pamahalaang Barangay.
Gising na, Sta. Lucia! Sama sama nating ibangon ang ating barangay!