11/03/2026
⚠️ MAHALAGANG ANUNSYO MULA SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATAYA ⚠️
Ipinababatid po sa lahat ng mamamayan ang nakatakdang pagbabago sa Schedule of Market Values (SMV) na magiging epektibo sa taong 2027.
Alinsunod ito sa Section 219 ng Local Government Code of 1991 at Section 15 ng Republic Act No. 12001 (Real Property Valuation and Assessment Reform Act) na naisabatas noong Hunyo 13, 2024, na may layuning BUMUO, MAGPATIBAY, AT MAGPATUPAD NG ISAHANG PAGHAHALAGA (Single Valuation) para sa lahat ng uri ng mga ari-ariang di natitinag sa buong bansa ang naturang pagbabago sa Schedule of Market Value.
Isinasaalang-alang din sa nasabing batas ang kapakanan ng mga taxpayer sa pamamagitan ng pagtatakda ng anim na porsyentong (6%) cap sa amilyar sa unang taon, upang maiwasan ang biglaang epekto ng pagbabago sa halaga ng mga ari-ariang di-natitinag.
Ito ay bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na magkaroon ng patas at napapanahong pag-assess ng mga ari-arian sa Angat upang mapahusay ang lokal na serbisyo at kita.