JUSTeam

JUSTeam Official page of Team Justine

Sa ngalan ng Team Amang at JUSTeam, taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumoporta at sumama sa amin sa hamon ...
01/11/2023

Sa ngalan ng Team Amang at JUSTeam, taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumoporta at sumama sa amin sa hamon ng kagustuhang maglingkod. Napakalaking bagay po ng inyong tiwala upang kami ay magpatuloy kaya't hinding hindi po namin ito kalilimutan. Asahan po ninyo na kami ay mananatiling nagkakaisa at patuloy na maghahangad ng ikabubuti ng lahat.

Muli, daghang salamat po!

πŸ€πŸ©΅πŸ’™

28/10/2023

Mapagpalang gabi kababata!

Ang Team Amang Enriquez at ang JUSTeam ay ihahain ang sarili sa inyo upang ipagpatuloy ang nasimulang pagbabago. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa pagdalo ng ating butihing Mayor Jowar Bautista upang suportahan ang aming layuning idiretso ang nasimulan.

Nagmula na sa bibig ng ating idolong Mayor na isa ang ating punong barangay sa bantog sa pagiging mahusay na lider sa buong Angat. Sadyang nakakatuwang isipin na sa unang termino nito ay ganap ang pagbabago.

Kaya't kami sa pagtutulong ng aming grupo ay matapang na titindig sa matinding hamon upang ipagpatuloy ang progreso ng bawat kababatang Marungko.


Magandang araw mga ka-Barangay!Tara at makiisa! Ipakita po natin ang ating buong pagsuporta sa Team Amang at Team Justin...
28/10/2023

Magandang araw mga ka-Barangay!

Tara at makiisa! Ipakita po natin ang ating buong pagsuporta sa Team Amang at Team Justine. Magsama sama po tayo mamayang hapon (2PM) sa gaganaping grand rally na sisimulan sa boundary ng Marungko-Sulucan (half court). Susundan po ito ng caucus na gaganapin sa ating barangay covered court. See you ka-Barangay!πŸ©΅πŸ’™

  : One Dream Haharap sa hamon ng paglilingkod ng may integridad, sa ngalan ng kabataan mananatiling tapat! ✊🏻Hindi mada...
29/08/2023

: One Dream

Haharap sa hamon ng paglilingkod ng may integridad, sa ngalan ng kabataan mananatiling tapat! ✊🏻

Hindi madaling ialay ang sarili para sa kapakanan ng iba ngunit buong tapang at walang pagdadalawang isip na naghain ng kanilang kandidatura ang JUSTeam dala ang pangarap na maging boses ng kabataan. Boses na matatag, malakas at may paninindigan. Boses na may malasakit at kabutihan at boses na magtataguyod ng karapatan!

Nasa atin pa rin ang kasagutan,
Tayo pa rin ang pag-asa, Kabataan
Tanging dahilan, Lagi't lagi para sa Bayan! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’™


  x   : SCHOOL MATERIALS DISTRIBUTION Mabuhay Barangay Marungko! Ngayong araw ay naisagawa ang bayanihan ng Team Amang a...
29/08/2023

x : SCHOOL MATERIALS DISTRIBUTION

Mabuhay Barangay Marungko!

Ngayong araw ay naisagawa ang bayanihan ng Team Amang at ng JUSTeam sa pamamagitan ng pagbibigay ng ikalawang batch ng school materials para sa Kinder sa pag-agapay ng g**o na si Ma'am Juvie Morales at ng punong-g**o na si Ma'am Maria Robina Bonita Pascual.

Maraming salamat, Barangay Marungko! 🩡🀝



 : Serbisyo Kalusugan "Almusal Tayo!"Mabuhay ka-Barangay!Isang programa na naman ang naisakatuparan ng JUSTeam sa tulong...
28/08/2023

: Serbisyo Kalusugan "Almusal Tayo!"

Mabuhay ka-Barangay!

Isang programa na naman ang naisakatuparan ng JUSTeam sa tulong ng Team Amang. Kaninang umaga ay pinagsalu-saluhan namin ng mga taga-Tugatog at Go-Crusher ang masarap at masustansyang almusal na handog ng JUSTeam at Team Amang. Literal na maganda ang umaga sapagkat kita ang saya sa mukha ng ating mga ka-Barangay. 🩡


 : SPORTS KABABATA πŸ€πŸMabuhay Kabataan ng Marungko!Matagumpay na naisagawa ang programang Sports Kababata sa pagtutulunga...
28/08/2023

: SPORTS KABABATA πŸ€πŸ

Mabuhay Kabataan ng Marungko!

Matagumpay na naisagawa ang programang Sports Kababata sa pagtutulungan ng JUSTeam at Team Amang noong nakaraang Agosto 26 hanggang 27, 2023. Muli na namang nalinang, naipamalas, at naipakita ang gilas ng ating ka-Barangay!

Salamat po sa inyong walang sawang pag suporta. Hanggang sa susunod na pagpapakitang-gilas! 🩡


  : Forda Win πŸ“Œ UPDATE Mabuhay Kabataan at Ka-Barangay! Kanina ay naipamigay na ang mga premyo ng nagwagi sa ating fb li...
27/08/2023

: Forda Win

πŸ“Œ UPDATE

Mabuhay Kabataan at Ka-Barangay!

Kanina ay naipamigay na ang mga premyo ng nagwagi sa ating fb live games "JUSTeam Forda Win" πŸ₯³

Maraming Salamat po sa inyong pagtangkilik sa aming programa, hanggang sa susunod po muling kasiyahan! πŸ©΅πŸ€—



FIRST GAME MAG READY NA PO 😊
27/08/2023

FIRST GAME MAG READY NA PO 😊

  : SPORTS KABABATAMabuhay mga Kabataan ng Marungko!Narito na po ang schedule ng mga laro bukas para sa Men's Volleyball...
26/08/2023

: SPORTS KABABATA

Mabuhay mga Kabataan ng Marungko!

Narito na po ang schedule ng mga laro bukas para sa Men's Volleyball at Basketball. Pagkatapos ng lahat ng laro ay magkakaroon po tayo ng awarding para sa mga kampeon ng bawat laro.

Siguraduhing nakaantabay sa ating page para sa mga susunod pang anunsyo. Maraming Salamat po! πŸ’™

πŸ“Œ GAME STARTS AT 12 NN


Address

Marungko, Bulacan
Angat
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JUSTeam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share