10/06/2026
๐๐ง๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ซ๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ซ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฅ๐จ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐ข๐๐ฒ ๐๐จ๐จ๐ฅ๐ค๐ข๐ญ!
Matapos ang naging matagumpay na General PTA Assembly kaninang umaga, patuloy ang walang humpay na paggabay at paghahanda ng ating mga kaguruan para sa darating na taong panuruan.
Ngayong hapon, Hunyo 10, 2026, matagumpay na nakiisa ang mga g**o ng Anda National High School sa Online Orientation on the Teacher Workload Policy Toolkit. Ang mahalagang aktibidad na ito ay anchored sa DepEd Memorandum No. 396, s. 2026 (Conduct of Division Orientation on Teacher Workload Tools and Procedure and Utilization of Teacher Workload Policy Toolkit).
Layunin nitong masig**o ang tamang balanse at makatwirang distribusyon ng teaching loads at iba pang ancillary tasks para sa bawat g**o. Masusi ding tinalakay ang mga pamamaraan at tamang paggamit ng workload toolkit upang maging sistematiko ang pag-aayos ng mga schedule at operational procedures.
Karagdagan pa, ito ay nagsisilbing pangunahing paghahanda ng buong paaralan at ng ating mga g**o para sa pormal na pagbubukas ng ating Instructional Block sa susunod na linggo!
Sa pamamagitan ng oryentasyong ito, sinisig**o ng Anda NHS na hindi lamang ang ating mga pasilidad, kundi maging ang ating mga g**ong gagamit ng kanilang husay at lakas ay handang-handa upang maghatid ng de-kalidad na edukasyon.
Bilang pagtalima sa mga umiiral na kautusan at memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd Orders), ang ating mga mag-aaral ay sumailalim sa Modular Approach ngayong araw. Ito ay upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng General PTA Assembly at ang mahalagang oryentasyon ng mga g**o, habang sinisig**o na hindi natitigil ang pagkatuto ng mga kabataan sa kanilang mga tahanan.
Sulong sa mas maayos, balanse, at planadong pagtuturo para sa ating mga kabataang AndaNHS!