16/04/2026
Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Pamahalaang Barangay ng Macaleeng, Anda, Pangasinan sa Giver of Life Global Ministries sa matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Outreach Program at Medical Mission sa ating barangay. ๐
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Hon. Raul C. Arig, lubos ang pasasalamat ng buong Sangguniang Barangay at ng buong mamamayan ng Barangay Macaleeng sa Giver of Life Global Ministries, Los Gatos, California, sa kanilang isinagawang medical mission dito sa ating barangay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating kabarangay at balikbayan na si Sir Brian S. Aquino, kasama ang kanyang mahal na kabiyak na si Dra. M-yrjean Torres-Aquino, gayundin kay Maโam Crislyn, sa kanilang malasakit at naging malaking bahagi sa matagumpay na pagsasagawa ng outreach program na ito.
Bago isinagawa ang medical mission, nagkaroon muna ng isang makabuluhang worship prayer, at fellowship na nagbigay inspirasyon, pag-asa, at pagkakaisa sa lahat ng dumalo.
Kabilang sa mga serbisyong naipagkaloob ay ang libreng check-up, pamamahagi ng wheelchair at tungkod sa mga nangangailangan, school supplies para sa mga batang may edad 3 hanggang 7 taong gulang, libreng tuli, at libreng gamot para sa ating mga kabarangay.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Doc. Mark Jay Garibay ng RHU Anda, sa kanilang matiyagang pagbibigay ng serbisyong medikal, pati na rin sa mga masisipag at dedikadong staff ng RHU Anda na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito.
Maraming salamat din po sa lahat ng naging volunteers sa aktibidad na ito kasama ang mga Brgy. Employees (Brgy. Council,BHW's, CVO's at SK.)
Muli, maraming salamat sa Giver of Life Global Ministries at sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Nawaโy patuloy ninyong pagpalain at gabayan ang marami pang proyektong makakatulong sa ating mga komunidad.
Maraming salamat at mabuhay po kayong lahat! ๐ซถ๐ป