22/09/2026
ROTARACT CLUB OF TUGUEGARAO CITADEL, NAGLUNSAD NG DISTAS ZONE 1 DISTRICT ASSEMBLY AND TRAINING 2026 SA CAGAYAN FARM SCHOOL AND AGRI-TOURISM CENTER
Matagumpay na isinagawa noong Setyembre 19–20, 2026 ng Rotaract Club of Tuguegarao Citadel, sponsored ng Rotary Club of Tuguegarao Citadel, ang DISTAS Zone 1 District Assembly and Training 2026 na may temang "INNAMUYU" sa Cagayan Provincial Farm School and Agri-Tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.
Dinaluhan ito ng mga batang lider ng Rotaract mula sa Cagayan, Kalinga, Isabela, Bulacan, at Nueva Ecija, kung saan may mga talakayan ukol sa youth leadership, agripreneurship, project management, at social media, gayundin ang tree planting activity kung saan nagtanim sila ng 60 na punla ng fruit-bearing trees tulad ng mga sweet pomelo, rambutan, at calamansi sa loob ng Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center.
Bukod dito, nagkaroon din ang mga kalahok ng day tour sa iba't ibang tourist destinations sa loob ng farm school — sinimulan sa Propagation Area of Assorted Vegetable Seedlings, sinundan ng Mushroom Production Area, Hydroponics and Aquaponics Area, at dalawang fish ponds na ginagamit para sa Tilapia Production. Bilang bahagi ng karanasan, sila rin ay pansamantalang tumuloy sa dormitoryo ng Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center, kung saan lalong lumalim ang samahan at fellowship sa hanay ng mga kalahok.
Muling napatunayan ng mga kalahok ang kanilang paglilingkod sa mga kabataan, komunidad, at kalikasan, alinsunod sa Rotary ideal na "Service Above Self."