05/05/2026
"๐๐ง๐ข๐๐ข๐๐ซ ๐๐ซ๐๐๐ฆ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐๐ซ: ๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ก ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐๐๐, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐"
Mayo 5, 2026-Matagumpay na isinagawa ang Unifier Dream Builder: 1st Batch Youth Educational Tour 2026, na mayroon temang "Empowering Youth Towards a Peaceful Future" na nilahukan ng limampung (50) kabataan mula sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, edukasyon, at kamalayang sibiko ng West Philippines Sea sa hanay ng kabataan.
Bumisita ang mga kalahok sa 6th Infantry Division (6ID) Peace Museum at sa 6th Division Training School, kung saan kanilang nasaksihan ang mahahalagang kasaysayan, adbokasiya, kamalayan sa West Philippines Sea, at mga programa ng militar hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. Nagkaroon din ng static display at obstacle demonstration na ipinakita ng mga kasundaluhan ng Division Training School (DTS), na lalong nagbigay ng kaalaman at karanasan sa mga kabataan tungkol sa kahandaan at kakayahan ng sandatahang lakas.
Kasunod nito, nagsagawa rin ng Orientation on Emergency Response ang Bangsamoro READi upang mabigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman at kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency na sitwasyon, sa pangunguna ni Dir. Muhammad Farzieh B. Abutazil, Head ng Bangsamoro READi.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Unifier Troops sa pamumuno ni BGen. Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, kung saan ang bawat kasapi nito ay boluntaryong nag-ambag ng kanilang suporta at kontribusyon upang makatulong sa mga kabataang kalahok sa nasabing lakbay-aral. Naging katuwang sa matagumpay na aktibidad ang Fahanie Cares na pinangungunahan ni MP Atty. Fahanie Uy-Oyod; Bangsamoro READi; TCKK Inc. sa pamumuno ni Ms. Cathlea Diocolano; at Nonviolent Peaceforce sa pangunguna ni Mr. Nasrudin Asi, Field Coordinator.
Samantala, sina Maj. Saber G. Balogan, CMO Officer ng 601st Brigade, at Maj. Jaafar Abdul, Commanding Officer ng CMO Company, ang nagsilbing pangunahing tagapagpadaloy mula sa pagpaplano at paghahanda hanggang sa aktwal na pagsasagawa ng programa.
Bilang bahagi ng suporta ng ibaโt ibang partner stakeholders, naipamahagi sa mga kalahok ang limampung (50) school bags na may kasamang school supplies at tsinelas mula sa Fahanie Cares, TCKK Inc., at Bangsamoro READi na nag provide ng libreng sakay, habang ang Nonviolent Peaceforce ay nag-sponsor ng Jollibee meals para sa tanghalian ng mga kalahok.
Ayon kay BGen. Catu, ang inspirasyon ng programa ay nagmula sa isang simpleng karanasan habang siya ay tumatakbo sa kalsada, kung saan may ilang kabataan na sumabay sa kanya at nagsabing nais nilang maging sundalo. Mula rito ay nabuo ang ideya na magkaroon ng isang youth educational tour upang mabigyan sila ng pagkakataong makita at maranasan ang 6ID Peace Museum, obstacle demonstration, at military static display, pati na rin ang simpleng kasiyahan na madala sila sa Jollibee. โLayunin ng aktibidad na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na matuklasan ang kanilang mga pangarap. Nakita ko ang labis na saya ng mga bata at ang kanilang pagiging bukas at hindi na takot na lumapit sa mga sundalo kahit na wala silang katabi o kasamang magulangโhindi katulad noon na ang ating kasundaluhan ay ginagawang panakot,โ pahayag ni BGen. Catu.
Nagbigay din ng mensahe si MGen. Jose Vladimir R. Cagara, Commander ng Joint Task Force Central at 6ID, na ang youth sector ay kabilang sa mga pinaka-vulnerable sa recruitment ng mga teroristang grupo kayaโt mahalagang sila ay maprotektahan sa pamamagitan ng mga sustainable at inklusibong programa. โKailangan nating tiyakin na may tuloy-tuloy na programa para sa kabataan upang hindi sila mapabayaan at hindi mahikayat ng maling impluwensya. Kayaโt pinupuri ko ang mahusay na inisyatiba ng 601st Brigade sa pamumuno ni BGen. Catu, katuwang ang mga stakeholders at mga ahensiya ng pamahalaan na patuloy na sumusuporta sa ating mga kasundaluhan para sa matagumpay na peacebuilding activities,โ ani MGen. Cagara.
6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
90th Infantry Bigkis Lahi Battalion
Lakan Battalion
38th Infantry We Clear Battalion
Reliable Battalion