04/05/2026
‼️UPDATE AS OF 5 May, 2026‼️
⛔️PANSAMANTALANG ISINASARA ANG ACCESS SA BALITE FALLS ⛔️
🏊POOL AREA AVAILABLE🏊
Ipinapaalam po sa lahat na ang Balite ralls, Amadeo, Cavite ay pansamantalang ISASARA sa publiko simula Mayo 6, 2026, sa loob ng paunang tatlumpung (30) araw, alinsunod sa Executive Order No. 42, Series of 2026.
Ang pansamantalang pagsasara na ito ay kinakailangan upang bigyang-daan ang Pamahalaang Bayan, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kaugnay na ahensya, na magsagawa ng masusing pagsusuri at magpatupad ng mga hakbang para sa:
• Kaligtasan ng publiko
• Kalinisan at sanitasyon
• Pangangalaga sa kapaligiran
• Pagsunod sa mga pamantayan ng DENR
Sa panahong ito: (PARA LAMANG SA FALLS AREA)
• Walang papayagang bisita na pumasok papunta ng Balite Falls o ilog
Kami po ay humihingi ng inyong pag-unawa at p**ikiisa habang isinasagawa
ang mga hakbang tungo sa mas ligtas, mas malinis, at mas napapanatiling Balite Falls para sa lahat.
Magbibigay po kami ng karagdagang abiso sa mga susunod na araw.
Maraming Salamat po.