26/04/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ค๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ! ๐โจ
Taos-pusong pagbati kay ๐ฝ๐. ๐ผ๐ก๐ฎ๐จ๐จ๐ ๐๐๐๐ฃ๐ ๐. ๐พ๐๐ฃ๐ก๐๐จ sa kanyang napakagaling na pagganap at pag-uuwi ng titulong ๐๐ข๐ง๐ข๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ฆ๐๐๐๐จ - ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ง๐๐ซ ๐๐ฉ na may talino, puso, at malasakit. Sa bawat hakbang mo sa entablado, dala mo ang dangal at pagmamalaki ng Brgy. Maitim 1stโat tunay mo itong naipakita sa buong Amadeo.
Ang iyong dedikasyon, tiyaga, at sakripisyo sa buong journey na ito ay inspirasyon sa ating lahat, lalo na sa kabataan. Hindi naging madali ang laban, ngunit pinatunayan mo na sa sipag, disiplina, at pananalig, kayang makamit ang tagumpay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng iyong tagumpayโsa iyong Magulang (AC Tolentino and Alvin Canlas) na walang sawang sumuporta at nagbigay ng lakas sa bawat yugto ng laban; sa iyong Designer ng Mayabong Costume (Ged Dignos) na lumikha ng mga kasuotang lalong nagbigay-diin sa iyong ganda at kumpiyansa; sa iyong Make-Up Artist (Pham Sta Ana) na nagpaangat sa iyong natural na alindog; at sa iyong Pageant Coach (Richard Enriques) na gumabay at humubog sa iyong kakayahan upang maipakita ang iyong pinakamahusay.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa buong Brgy. Maitim 1st, sa walang humpay na suportaโhindi lamang sa pag-cheer at pagbibigay ng moral support, kundi pati na rin sa lahat ng mga taong naglaan ng pinansyal na tulong upang maisakatuparan ang iyong paglahok sa kompetisyong ito. Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahal ng buong komunidad.
Ang panalong ito ay hindi lamang para sa iyo, kundi para sa bawat isa sa atin na naniwala at sumuporta. Patuloy kang magsilbing inspirasyon at simbolo ng galing at puso ng kabataan ng Maitim 1st.
Muli, congratulations! Ipinagmamalaki ka namin! ๐