12/10/2025
๐ LIBRENG SAKAY PROGRAM
Mondays to Fridays except Holidays
Bilang tugon sa matagal nang suliranin sa kakulangan ng masasakyan tuwing rush hour partikular para sa mga estudyante at manggagawa na naninirahan sa mga barangay ng Dagatan, Banaybanay, at Tamacan, inilulunsad po natin ang isang LIBRENG SAKAY PROGRAM na magsisilbing pansamantalang ginhawa ang mga hindi na halos makasakay ng jeep dahil sa punuang biyahe mula Amadeo Public Terminal.
๐ Panahon ng Pagsubok (Trial Period):
Oktubre 13 hanggang Nobyembre 14, 2025
๐ Oras ng Biyahe:
5:00 AM hanggang 7:30 AM, may biyahe bawat 15 minuto
๐Pickup Locations
DAGATAN
Cafe Amadeo
Kanto ng Pulunan
JRCC
BNP
BANAYBANAY
Petron
Rodelitoโs
Barangay Hall
Cakes and Coffee
TAMACAN
Barangay Hall
Tamacan Elementary Achool
Harap ng Kanto ng Pedi Road
๐ Drop-off Point:
Panungyanan Terminal
๐ Mahalagang Paalala:
Ang mga pasahero ay inaabisuhang manatili lamang sa nakatalagang pickup locations. Wala pong pickup sa gitna ng ruta upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng programa.
Maaari ring sumakay pabalik Panungyanan - Dagatan (sa tapat ng pick up points).
Ang proyektong ito ay bahagi ng ating patuloy na hangarin na makapaghatid ng mabilis at epektibong serbisyo para sa ating mga kababayan.