Municipal Government of Amadeo

Municipal Government of Amadeo The Official page of the Municipal Government of Amadeo

10 KILOS NG BIGAS, HATID SA LAHAT NG KABAHAYAN SA AMADEO!Kasagsagan man ng ulan, hindi naging hadlang ang panahon sa pag...
21/08/2026

10 KILOS NG BIGAS, HATID SA LAHAT NG KABAHAYAN SA AMADEO!

Kasagsagan man ng ulan, hindi naging hadlang ang panahon sa paghahatid ng serbisyo. Naipamahagi na ng Pamahalaang Bayan ng Amadeo, sa pangunguna ni Mayor Jojo Domingo, ang tig-10 kilo ng bigas sa 26 na barangay, para sa kabuuang 13,275 kabahayan na kabilang sa pinagsamang datos ng 2024 CBMS at 2026 Registry of Barangay Inhabitants (RBI) ng bawat barangay.

🏠 WALANG PINIPILI.
Malaki man o maliit ang bahay, simple man o malawak ang tahanan, ang bawat kabahayan ay kabilang sa programang ito bilang pagpapakita ng patas at pantay na serbisyo para sa lahat.

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA

NASA MGA BARANGAY NA PO ANG MGA BIGAS. Ang inyong mga Barangay Official ang mangunguna sa pamamahagi at maghahatid nito sa bawat kabahayan.

❗ HINDI NA PO KAILANGANG PUMILA.
Hintayin lamang po ang inyong Barangay Officials na maghatid ng bigas sa inyong tahanan.

❓ HINDI NAKASAMA SA LISTAHAN? HUWAG MAG-ALALA!

Para sa mga kabahayan na hindi napasama sa kasalukuyang listahan, magpuprocure ang Pamahalaang Bayan ng Amadeo ng karagdagang bigas para sa mga hindi pa naisama.

Mangyaring magtungo sa inyong Barangay Hall at magpaverify upang masuri at maisama ang inyong pangalan sa talaan ng barangay o RBI.

πŸ“Œ Ang pamamahagi ng bigas ay isasagawa hanggang tatlong (3) tranches, kaya inaasahan ang mga susunod pang pamamahagi.

Kasama sa pag-iikot sa mga barangay ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsi Marlon Bawalan, Reagan Borja, Ryan Causaren, Charlie Garcia, Michelle Anne Ricalde, Jeric Bawar, at Leo Villanueva, upang masaksihan ang paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan.

Nakiisa rin sa turnover ng bigas sa mga barangay sina Cong. Ping Remulla, Board Members Aldrin Anacan at Camille Del Rosario, bilang suporta sa programang ito.

Taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla, sa kanilang suporta at malasakit na naging mahalagang bahagi upang maisakatuparan ang programang ito.

Ang pagtutulungan ng Provincial Government of Cavite, Pamahalaang Bayan ng Amadeo, at mga Barangay ay patunay na mas marami tayong naaabot kapag sama-sama at nagkakaisa.

πŸ“£ PARA SA MGA NAKATANGGAP NA NG BIGAS:
Maaari po ninyong i-comment sa ibaba ang inyong natanggap na 10 kilo ng bigas. Malaking tulong ang inyong pakikiisa para sa monitoring at dokumentasyon ng ating pamamahagi.

Walang pinipili. Walang naiiwan.
Serbisyong patas, tulong na hatid hanggang tahanan.
Para sa bawat Amadean!

ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI SA MGA NAGSIPAGTAPOS NA MAY NATATANGING KARANGALAN AT SA ATING NAKAPAGTAPOS NG DOKTORADO!Buong...
20/08/2026

ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI SA MGA NAGSIPAGTAPOS NA MAY NATATANGING KARANGALAN AT SA ATING NAKAPAGTAPOS NG DOKTORADO!

Buong pagmamalaki at kagalakan nating binabati ang mga nagsipagtapos na may natatanging karangalan at ang ating kababayang nakapagtapos ng doktorado.

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, disiplina, at hindi pagsuko sa kabila ng mga hamon. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating mga kabataan at sa buong pamayanan na ang pangarap ay kayang abutin sa pamamagitan ng pagsisikap at paninindigan.

Dalhin ninyo ang inyong kaalaman, karunungan, at mabubuting pagpapahalaga sa bawat hakbang ng inyong paglalakbay. Nawa’y gamitin ninyo ang inyong natutuhan hindi lamang para sa sariling tagumpay, kundi maging bahagi rin ng pag-unlad at paglilingkod sa kapwa.

Karangalan ninyo, karangalan ng inyong pamilya, at karangalan ng buong Amadeo!

SEED CAPITAL PARA SA MAS MATATAG NA KABUHAYAN NG MGA AMADEAN Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Amadeo ang Awarding of...
20/08/2026

SEED CAPITAL PARA SA MAS MATATAG NA KABUHAYAN NG MGA AMADEAN

Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Amadeo ang Awarding of Seed Capital para sa Salobahan SLP Association at Nagkakaisang Kababaihan BMP SLP Association, upang makatulong sa pagsisimula ng kanilang mga community-based livelihood projects.

Ang pondong ipinagkaloob ay nakalaan para sa pagtatatag at pagpapatakbo ng community store at canteen, na inaasahang magbibigay ng karagdagang pagkakakitaan at oportunidad sa pangkabuhayan sa mga kasapi ng dalawang samahan. Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo na magkaroon ng mas sustainable at pangmatagalang pinagkukunan ng kita.

Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ang mga programang naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga samahan at mamamayan na mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, isinusulong ang isang mas produktibo, mas matatag, at mas maunlad na komunidad.

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT LEARNING MODES | AGOSTO 19, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, ipatutupad an...
18/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT LEARNING MODES | AGOSTO 19, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, ipatutupad ang angkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Cavite at iba pang mga lugar na sakop ng kautusan ngayong Agosto 19, 2026.

Para naman sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes at learning continuity measures para sa lahat ng antas, maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang Local Chief Executive.

πŸ“Œ MAHALAGANG PAALALA

Ang mga ahensyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Para naman sa pribadong sektor, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng bawat kumpanya o establisimyento.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga opisyal na abiso mula sa Lokal na Pamahalaan at mga kinauukulang ahensya, at higit sa lahat, unahin ang kaligtasan ng bawat Amadean.

Manatiling ligtas, Amadeo!

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 19

Pursuant to Memorandum Circular No. 129, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 19, 2026:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Zambales
πŸ“ Batangas
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Rizal
πŸ“ Occidental Mindoro
πŸ“ Oriental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes and learning continuity measures at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

WALANG PASOK | AGOSTO 19, 2026Dahil sa Orange Rainfall Warning at patuloy na pag-ulan, suspendido ang klase sa lahat ng ...
18/08/2026

WALANG PASOK | AGOSTO 19, 2026

Dahil sa Orange Rainfall Warning at patuloy na pag-ulan, suspendido ang klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Bayan ng Amadeo bukas, Miyerkules, Agosto 19, 2026.

Safety first! Unahin muna ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga mag-aaral. Manatili sa ligtas na lugar, iwasang bumiyahe kung hindi kinakailangan, at mag-ingat upang maiwasan ang anumang panganib at pagkakasakit.

Pero teka lang… Huwag muna masyadong mag-happy-happy sa TikTok, ML, o Netflix! May Challenge tayo ngayong araw. Suspended man ang klase, hindi suspendido ang pagkatuto!

Narito ang ilang missions na maaaring gawin habang nasa bahay:

1. Oplan Balik-Basa
Magbasa at mag-review ng mga aralin para mas handa sa pagbabalik ng klase.

2. Mission: Module Done!
Tapusin ang modules at school activities para hindi tambak ang gawain pagbalik sa paaralan.

3. Artista Mode
Mag-drawing, magsulat, o gumawa ng iba pang malikhaing gawain.

4. Explore & Learn
Matuto ng bagong bagay online, ngunit siguraduhing may tamang oras at gabay ng magulang.

5. Helper Status
Tumulong sa mga simpleng gawaing-bahay. Plus points ’yan para hindi mapagalitan!

6. Family Time
Magkuwentuhan, mag-board games, o magsalo-salo ng mainit na sopas o champorado kasama ang pamilya.

At syempre, i-tag na ang kaibigan na nami-miss mong makasama at makuwentuhan! Baka kailangan na rin ng catch-up pagbalik ng klase.

Ikaw, alin na diyan ang mo? πŸ‘‡

Walang pasok, pero tuloy ang learning!
Manatiling ligtas, Amadeo!

‼️ WALANG PASOK | AGOSTO 19, 2026 ‼️

Dahil sa Orange Rainfall Warning at patuloy na pag-ulan, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pambuliko at pribadong paaralan sa buong bayan ng Amadeo, bukas, Agosto 19, 2026.

Safety first! Unahin muna ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral. Manatili muna sa ligtas na lugar, iwasang mabasa o bumiyahe kung hindi kinakailangan, at mag-ingat upang maiwasan ang pagkakasakit.

Pero teka lang… ’wag muna masyadong mag-happy-happy sa TikTok, ML, o Netflix! May β€œ Challenge” ako para sa inyo ngayon. Suspended man ang klase, pero hindi ang pagkatuto! (huwag kalimutang may modules na naghihintay ✌🏼)

Habang muna ang mga mag-aaral, narito ang ilang missions na maaari ninyong gawin:
1. Oplan Balik-Basa | Magbasa o mag-review ng mga aralin para perfect score sa lessons.
2. Mission: Module Done! | Tapusin ang modules at school activities para hindi tambak ang gagawin pagbalik ng klase.
3. Artista Mode | Mag-drawing, magsulat, o gumawa ng creative activities
4. Explore & Learn | Matuto ng bagong bagay onlineβ€”pero may tamang oras at gabay ng magulang
5. Helper Status | Tumulong sa simpleng gawaing-bahay. Plus points β€˜yan para bigyan ng allowance o hindi mapagalitan!
6. Family Time | Magkuwentuhan, mag-board games, o magsalo-salo ng mainit na sopas o champorado kasama ang pamilya.

πŸ‘―β€β™€οΈ At syempre… i-tag na ang kaibigan na namimiss mo nang makasama at makakwentuhan! Baka kailangan na rin ng catch-up pagbalik ng klase!

Ikaw, alin diyan ang mo na?

Walang pasok, pero tuloy ang learning!
Stay safe, everyone! πŸŒ§οΈπŸ’™

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT LEARNING MODES | AGOSTO 18, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, ipatutupad an...
17/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT LEARNING MODES | AGOSTO 18, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, ipatutupad ang angkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Cavite at iba pang mga lugar na sakop ng kautusan ngayong Agosto 18, 2026.

Para naman sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa lahat ng antas, maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang Local Chief Executive.

πŸ“Œ MAHALAGANG PAALALA

Ang mga ahensyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Para naman sa pribadong sektor, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng bawat kumpanya o establisimyento.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan sa gitna ng patuloy na pag-ulan.

Manatiling ligtas, Amadeo!

π—”π—Ÿπ—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—©π—˜ π—ͺ𝗒π—₯π—ž 𝗔π—₯π—₯π—”π—‘π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§π—¦ 𝗙𝗒π—₯ π—šπ—’π—©π—˜π—₯π—‘π— π—˜π—‘π—§ π—’π—™π—™π—œπ—–π—˜π—¦, π—”π—Ÿπ—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—©π—˜ π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—‘π—œπ—‘π—š π— π—’π——π—˜π—¦ 𝗙𝗒π—₯ π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿπ—¦ 𝗒𝗑 π—”π—¨π—šπ—¨π—¦π—§ 𝟭𝟴

Pursuant to Memorandum Circular No. 128, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 18, 2026:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Benguet
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Rizal
πŸ“ Laguna
πŸ“ Occidental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

WALANG PASOK | Agosto 18, 2026 (Martes)Dahil sa Yellow Rainfall Warning at patuloy na pagbuhos ng ulan, at bilang pag-ii...
17/08/2026

WALANG PASOK | Agosto 18, 2026 (Martes)

Dahil sa Yellow Rainfall Warning at patuloy na pagbuhos ng ulan, at bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat, suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas, Martes, Agosto 18, 2026, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Amadeo.

Kaya, mga estudyante, sulitin ang pagkakataong makapagpahinga at manatiling ligtas sa kani-kanilang tahanan. At habang may oras, tapusin na rin ang mga modules!

Dahil alam nating lahat ang tunay na plot twist: may dagdag na module na naman pagkatapos nito.

Walang pasok, pero tuloy ang pagkatuto.
Manatiling ligtas, Amadeo!

‼️ WALANG PASOK | Agosto 18, 2026 ‼️

Dahil sa Yellow Rainfall Warning at patuloy na pagbuhos ng ulan, at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng lahat, suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas, August 18, 2026.

Kaya, mga estudyante, sulitin ang pagkakataon na makapagpahinga at manatiling ligtas sa kani-kanilang tahanan. At habang may oras, tapusin na rin ang mga modules! Dahil alam nating lahat ang tunay na plot twist: may dagdag na module na naman pagkatapos nito.

Walang pasok, pero tuloy ang pagkatuto.
Manatiling ligtas at mag-ingat ang lahat!

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT LEARNING MODES | AUGUST 17, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 127, ipinatutupad ...
17/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS AT LEARNING MODES | AUGUST 17, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 127, ipinatutupad ang angkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Cavite at iba pang mga lugar na sakop ng kautusan, simula 12:00 ng tanghali, Agosto 17, 2026.

Para naman sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa lahat ng antas, maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang Local Chief Executive.

πŸ“Œ Mahalagang Paalala:
Ang mga tanggapan at ahensyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Para naman sa pribadong sektor, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay nasa pagpapasya ng pamunuan ng bawat kumpanya o establisimyento.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga opisyal na abiso ng Lokal na Pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.

Unahin natin ang kaligtasan ng bawat Amadean.

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 17

Pursuant to Memorandum Circular No. 127, government offices are directed to shift to appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces starting 12:00 noon on August 17, 2026:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Rizal
πŸ“ Laguna
πŸ“ Quezon
πŸ“ Occidental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

NO MORE β€œSANA ALL” SA AMADEO!Lahat ng kabahayan sa Bayan ng Amadeo ay nakatakdang makatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa...
17/08/2026

NO MORE β€œSANA ALL” SA AMADEO!

Lahat ng kabahayan sa Bayan ng Amadeo ay nakatakdang makatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa loob ng linggong ito, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ni Mayor Jojo Domingo, na maihatid ang kinakailangang tulong sa bawat pamilya, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Naging posible ang pamamahaging ito sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla, na patuloy na katuwang ng Pamahalaang Bayan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

πŸ“Œ Para sa iskedyul at iba pang detalye ng pamamahagi, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong kinauukulang Barangay.

Isang tulong na para sa bawat tahanan, hatid sa bawat pamilyang Amadean.

Walang β€œsana all” dahil may para sa lahat!

Address

Amadeo Municipal Hall
Amadeo
4119

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63464833010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Amadeo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Amadeo:

Shortcuts

Share