18/02/2026
"Day 1" Seminar
February 17, 2026
"Sustainable Coconut Farming Practices Maximizing yield and profitability"
Isinusulong ang napapanatiling pagsasaka ng niyog bilang susi sa pagpapataas ng ani at kita ng mga magniniyog, sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa puno, paggamit ng makakalikasang teknolohiya, at tamang pamamahala ng sakahan. Layunin nitong mapanatili ang kalusugan ng lupa, mapabuti ang kalidad ng ani, at matiyak ang pangmatagalang kabuhayan ng mga magsasaka habang pinangangalagaan ang kalikasan.
Maraming salamat po sa ating mga guest speaker na sina Mr. Moises T. De Mesa, Mr. Alex Mojica, Ms. Rosemarie L. Suarez, at Mrs. Josephine F. Costales sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, at karanasan. Malaki po ang maiitulong ng inyong mga mensahe sa tagumpay ng ating gawain. Maraming salamat po!
At higit sa lahat Maraming salamat po sa aming butihin at masipag na Ama ng Bayan Dr. Jose R. Domingo Jr. , at SB Chairman on Agriculture Regalado A. Borja na patuloy at walang sawang sumusuporta sa mga programa at adhikain ng ating pamahalaang lokal. Ang inyong malasakit at paggabay ay inspirasyon sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.