05/05/2026
π§π₯π’π£ππππ ππ¬πππ’π‘π (π§π)-π§ππ₯πππ§ π£π’π§ππ‘π§πππ ππ’π₯ππππ¦π§
Date Issued: 05 May 2026
Validity: Valid within the forecast period, unless superseded by succeeding forecast.
Forecast Summary:
WEEK 1 (MAY 05, 2026 - MAY 11, 2026)
π΄ Sa kasalukuyan, ang Tropical Cyclone-like Vortex (TCLV) na minomonitor sa silangang bahagi ng PAGASA Monitoring Domain (PMD) ay ganap nang naging isang bagyo.
π΄ Inaasahan na ito ay kikilos patungong hilagangkanluran habang papalapit sa silangang bahagi ng Visayas at Luzon.
π΄ Samantala, dalawa pang TCLVs ang posibleng mabuo sa silangang bahagi ng PMD.
π΄ Ang TCLV1 ay posibleng mabuo sa silangan ng Mindanao ngunit, mababa ang tyansa na ito ay maging isang bagyo.
π΄ Ang TCLV2 naman ay posibleng mabuo sa silangang bahagi ng Tropical Cyclone Information Domain (TCID) at kikilos papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa ngayon ay hanggang katamtaman ang tyansa na ito ay mabuo bilang isang bagyo sa unang linggo ng forecast period (Week 1).
WEEK 2 (MAY 12, 2026 - MAY 18, 2026)
π΄ Para naman sa ikalawang linggo ng forecast period (Week 2), ang TCLV2 ay kikilos patungo sa hilagangsilangang bahagi ng PAR at nananatili na hanggang katamtaman ang tyansa na ito ay mabuo bilang isang bagyo.
π΄ Dahil dito, nakataas ang TC Threat Potential sa loob ng forecast period.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito:
βΉοΈ https://bit.ly/TCTHREATDOSTPAGASA
Gayunpaman, ang anumang mga pagbabago sa pagtaya na ito ay susubaybayan ng ahensya at ang mga updates tungkol dito ay ibibigay kung kinakailangan.
Bisitahin lang ang link na nasa baba para ma-access ang Rainfall Exceedance Probability Forecast ng ahensya. Nilalahad sa produktong ito kung saang lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng malalakas na mga pagulan sa susunod na dalawang linggo.
βΉοΈ https://bit.ly/S2SDOSTPAGASA
--
βπ ππππππππ‘π π£ππππππ π£ππ₯π π¦π π£π¨πππππ’: Inaanyayahan ang publiko at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) na mag antabay sa mga susunod na updates ng ahensya dahil maaari pang magbago ang pagtaya o forecast na ito anumang oras.
Ang official forecast track ng mga nabuong bagyo ay mahahanap sa official social media pages at website ng ahensya.
Ang produktong ito ay ina-update tuwing Lunes at Huwebes (MTh) o kung kinakailangan upang masiguro na ang forecasts na ini-issue ng ahensya ay updated.
Contact us: (02) 8284 0800 local 4921 / 4920 ; email: [email protected]
--
PMD: PAGASA Monitoring Domain
PAR: Philippine Area of Responsibility
TCAD: Tropical Cyclone Advisory Domain
TCID: Tropical Cyclone Information Domain
TCLV: Tropical Cyclone-like Vortex