01/10/2026
Happy Local Government Month! 🎊
TINGNAN | Ang Oktubre ay Local Government Month!
Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 63 s. 1992, ang buwan ng Oktubre ay ideneklara bilang Local Government Month, habang ang ikalawang linggo ng Oktubre ay Local Government Week, at ang ika-10 ng Oktubre bilang Local Government Day.
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ay patuloy na nakikiisa sa pagbibigay-karangalan sa ibinibigay na serbisyo ng ating mga opisyal at empleyado mula sa mga lokal na pamahalaan.
Basahin ang Proclamation No. 63 s. 1992: http://bit.ly/2pd7tCf