VM Maweeh Abrigo

Directions

VM Maweeh Abrigo Sangguniang Bayan - Alitagtag
(1)

27/10/2026

π‡πˆπ†π‡π‹πˆπ†π‡π“π’ | π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽππ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‰π”ππˆπŽπ‘ π‡πˆπ†π‡ π’π‚π‡πŽπŽπ‹

Isa sa mga bagay na patuloy nating isinusulong ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang AlitagtagueΓ±o na maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.

Kaya naman, sa abot ng ating makakaya, personal tayong sumusuporta sa ilang mag-aaral mula sa Alitagtag National High School at San Jose T. Reyes Integrated School sa pamamagitan ng scholarship assistance mula sa ating sariling pondo. Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan sa pinansyal upang maipagpatuloy ng isang kabataan ang kanyang pag-aaral at maabot ang kanyang mga pangarap.

Patuloy tayong maghanap ng mga paraan upang makatulong, magbigay ng pag-asa, at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kabataan.

Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo!




26/10/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀 πƒπˆππ„ 𝐒𝐀 πŸ‘π’π‡πŽπ“π’ 𝐒𝐀 πƒπ€π‹πˆππˆπ“ 𝐄𝐀𝐒𝐓!

Isa sa mga prayoridad natin ang isulong ang mga lokal na kabuhayan ng ating mga kababayan.

Kaya naman, ngayong araw ng Lunes! Matapos ang ating pangunahing tungkulin bilang Pangalawang Punong Bayan, pagdalo ng regular na sesyon at pagtugon sa ating mga kababayang lumalapit sa ating tanggapan, nagtungo tayo kasama ang ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa 3 Shots sa Barangay Dalipit East upang timusan ang kanilang produkto.

Sa bawat lokal na negosyong ating sinusuportahan, nakatutulong tayo sa patuloy na paglago ng kabuhayan sa ating bayan. ❀️

Kaya tara na, mga kababayan! Parine na! Timuse na! TUNAY NA MASARAP. WALANG HALONG BIRO.




π†πŽπŽπƒπ‹π”π‚πŠ, πˆππ•π„ππ‚πˆπŽπ 𝐃𝐄 𝐋𝐀 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙 ππ€π‘πˆπ’π‡ π‚π‡πŽπˆπ‘!Ngayong araw ng Linggo, binisita natin ang 21 kabataang AlitagtagueΓ±o n...
25/10/2026

π†πŽπŽπƒπ‹π”π‚πŠ, πˆππ•π„ππ‚πˆπŽπ 𝐃𝐄 𝐋𝐀 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙 ππ€π‘πˆπ’π‡ π‚π‡πŽπˆπ‘!

Ngayong araw ng Linggo, binisita natin ang 21 kabataang AlitagtagueΓ±o na miyembro ng Invencion De La Sta. Cruz Parish Choir habang sila ay naghahanda para sa kanilang pagsali sa Sing Batangas na gaganapin sa Batangas LimaPark sa darating na November 28.

Nakakatuwang makita ang dedikasyon at pagsisikap ng ating mga kabataan upang maipamalas ang kanilang talento at maipagmalaki ang ating bayan. Kaya naman, buong puso ang aking suporta sa inyong grupo sa nalalapit ninyong kompetisyon.

Anuman ang maging resulta, baon ninyo ang pagmamalaki at suporta ng inyong kapwa AlitagtagueΓ±o! Mula sa inyong talento, mas maririnig ang galing ng kabataang AlitagtagueΓ±o!

Laban, Invencion De La Sta. Cruz Parish Choir!

Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo!





Kasabay ng ating pagbabalik sa tanggapan, muli tayong nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang maipagpatuloy an...
19/10/2026

Kasabay ng ating pagbabalik sa tanggapan, muli tayong nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang maipagpatuloy ang paghingi at pagdadala ng tulong medikal para sa ating mga AlitagtagueΓ±o.

Alam nating malaking hamon para sa maraming pamilya ang gastusing medikal. Kaya patuloy tayong lalapit, makikipag-ugnayan, at magsisikap upang mas marami pa tayong kababayang maabot at matulungan.

Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo.



πŒπ€π†π€ππƒπ€ππ† 𝐀𝐑𝐀𝐖, π€π‹πˆπ“π€π†π“π€π†π”π„Γ‘πŽπ’!Sa ating pagbabalik sa tanggapan, personal nating inihatid ang wheelchair para sa isa nat...
19/10/2026

πŒπ€π†π€ππƒπ€ππ† 𝐀𝐑𝐀𝐖, π€π‹πˆπ“π€π†π“π€π†π”π„Γ‘πŽπ’!

Sa ating pagbabalik sa tanggapan, personal nating inihatid ang wheelchair para sa isa nating kababayan na nangangailangan kasama ang ilan sa mga miyembro ng ating Sangguniang Bayan.

Masaya tayong makapag-abot ng tulong, lalo na kung alam nating may isang kababayan tayong mapapagaan ang pang-araw-araw na gawain.

Patuloy lang tayo sa paghahanap ng paraan upang makatulong sa ating mga kababayan. Hangga't may nangangailangan at may pagkakataong makapaglingkod, patuloy tayong kikilos.

Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo.



π‡π€πππ˜ 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑'𝐒 πƒπ€π˜!Sa ating mga minamahal na g**o sa buong Alitagtag, isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyon...
05/10/2026

π‡π€πππ˜ 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑'𝐒 πƒπ€π˜!

Sa ating mga minamahal na g**o sa buong Alitagtag, isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyong lahat!

Lubos ko pong kinikilala ang malaking papel ninyo sa paghubog sa ating mga kabataan. Sa bawat aral na inyong itinuturo, bawat batang inyong ginagabayan, at bawat sakripisyong tahimik ninyong ginagawa, may mga pangarap kayong tinutulungan na matupad.

Hindi man madali ang maging g**o, araw-araw, pinipili ninyong pumasok, magturo, umunawa at magbigay ng inspirasyonβ€”dahil naniniwala kayong may magandang kinabukasang naghihintay sa bawat mag-aaral.

Maraming, maraming salamat sa inyong dedikasyon, pagmamahal at malasakit. Kayo ang isa sa mga haligi ng ating komunidad at katuwang namin sa pagbuo ng mas maunlad na Alitagtag.

Para sa lahat ng ating teachers, school heads, teaching at non-teaching personnel, saludo po kami sa inyo!

Happy Teachers’ Day! Mabuhay kayong lahat!


πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ€π†π‹π€ππˆπ“ 𝐀𝐓 ππ€πŠπˆπŠπˆπ”π†ππ€π˜π€π, π“π”ππ†πŽ 𝐒𝐀 πŠπŽππŠπ‘π„π“πŽππ† π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ!Sa patuloy nating paglalakad at pakikipag-ugnayan sa mga...
23/09/2026

πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ€π†π‹π€ππˆπ“ 𝐀𝐓 ππ€πŠπˆπŠπˆπ”π†ππ€π˜π€π, π“π”ππ†πŽ 𝐒𝐀 πŠπŽππŠπ‘π„π“πŽππ† π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ!

Sa patuloy nating paglalakad at pakikipag-ugnayan sa mga national agencies, mga Senador, at Party-list Representatives, unti-unti na nating naihahatid ang mga tulong at proyektong tunay na pakikinabangan ng ating mga kababayan.

Mula sa Medical Assistance through Guarantee Letters, AICS, food packs, mga pananim, gamot, wheelchairs, at ngayon, isang malaking biyaya para sa ating mga Senior Citizens sa Barangay Dominador West!

Sa pamamagitan ng ating pakikipag-ugnayan sa Senior Citizens Partylist sa pangunguna ni Cong. Rodolfo β€œOmpong” Ordanes, naaprubahan at nailaan ang β‚±10,000,000 na pondo para sa konstruksyon ng Multi-Purpose Building – Senior Citizens Center na magsisilbing tahanan ng mga programa at aktibidad para sa ating mga minamahal na nakatatanda.

Taos-puso po tayong nagpapasalamat kay Cong. Ompong Ordanes at sa Senior Citizens Partylist sa kanilang suporta at pakikiisa sa pagsusulong ng proyektong ito para sa ating mga senior citizen.

Isang patunay na sa patuloy na paglapit, pakikipag-ugnayan, at sama-samang pagkilos, mas marami tayong oportunidad na maihatid ang mga proyektong may tunay na pakinabang sa ating mga kababayan.

Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo!




Bago ang nakatakda kong pag-alis, kasama ang ilan sa ating mga miyembro ng Sangguniang Bayan, personal tayong nagtungo s...
21/09/2026

Bago ang nakatakda kong pag-alis, kasama ang ilan sa ating mga miyembro ng Sangguniang Bayan, personal tayong nagtungo sa Senate of the Philippines upang makipag-ugnayan at humingi ng suporta para sa mga proyektong makatutulong at maghahatid ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan sa Alitagtag.

Patuloy po tayong gagawa ng paraan upang mailapit ang mga programa at serbisyong nararapat para sa ating bayan. Hangad natin na sa bawat pagkakataon, mas marami tayong proyektong maibaba at mas maraming AlitagtagueΓ±o ang makinabang.

Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo!



π“πˆππ†ππ€π: π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐍𝐎. 𝟐, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐀!Isa na namang mahalagang hakbang para sa patuloy na pagtugon sa mga pang...
15/09/2026

π“πˆππ†ππ€π: π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ 𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐍𝐎. 𝟐, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐀!

Isa na namang mahalagang hakbang para sa patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bayan.

Ang Supplemental Budget No. 2 ay naaprubahan na ng Sangguniang Bayan ng Alitagtag, matapos ang isang mabusising talakayan ng ating mga kasamahan sa Sanggunian.

Sa pagkakataong ito, pinangunahan ni Konsehal Dr. Reynaldo Rosales ang sesyon bilang Presiding Officer ng Sangguniang Bayan.

Bilang inyong Pangalawang Punongbayan, nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Sanggunian sa kanilang patuloy na pakikiisa at pagtutulungan upang maisulong ang mga panukalang makatutulong sa ating mga kababayan.

Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo!



ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ | 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ | π’π„π“π˜π„πŒππ‘π„ πŸŽπŸ–, πŸπŸŽπŸπŸ”Bilang Acting Mayor ng Bayan ng Alitagtag, at sa kapangyarihang ip...
07/09/2026

ππ€ππ€π“πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ | 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ | π’π„π“π˜π„πŒππ‘π„ πŸŽπŸ–, πŸπŸŽπŸπŸ”

Bilang Acting Mayor ng Bayan ng Alitagtag, at sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, ipinababatid natin ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ngayong Setyembre 8, 2026, bilang pag-iingat at pagsasaalang-alang sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Kasabay nito, suspendido rin ang lahat ng school activities sa araw na ito.

Hinihiling ko sa lahat na manatiling ligtas, mapagmatyag, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan.

Address

Alitagtag, Batangas
Alitagtag
4205

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VM Maweeh Abrigo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share