Mayor Jo-Ann Ponggos

Mayor Jo-Ann Ponggos PUSO ng Epektibo at Garantisadong Paglilingkod para sa MATATAG NA ALITAGTAG
(1)

Ipinapakilala po namin ang bagong simbolo ng ating layunin at serbisyo, ang PUSO ng Epektibo at Garantisadong Paglilingkod

Public Education
Universal Health
Social Services
Opportunities for All

Agosto 6,2026 Nagsagawa ng Coordination Meeting ang Municipal Health Officer (MHO), National Immunization Program (NIP) ...
07/08/2026

Agosto 6,2026 Nagsagawa ng Coordination Meeting ang Municipal Health Officer (MHO), National Immunization Program (NIP) Coordinator, at Human Resources for Health (HRH) kasama ang lahat ng Barangay Health Workers (BHWs) at Alitagtag RHU staff bilang paghahanda para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) 2026.

Tinalakay sa pagpupulong ang barangay mapping, pagsusuri ng master list ng mga batang 6-59 buwan na babakunahan, koordinasyon ng mga vaccination team, at iba pang mahahalagang paghahanda upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagpapatupad ng programa.

Kasabay nito, isinagawa rin ang pamamahagi ng mga MRSIA advocacy tarpaulin sa lahat ng barangay upang higit na mapalawak ang kaalaman ng komunidad at mahikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas at rubella.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Alitagtag Rural Health Unit sa lahat ng ating mga Barangay Health Workers (BHWs) sa kanilang walang sawang suporta, dedikasyon, at malasakit sa pangangalaga sa kalusugan ng bawat batang kwalipikadong mabakunahan.

Sama-sama nating protektahan ang bawat bata. Magpabakuna para sa ligtas at malusog na komunidad!





07/08/2026

๐Ÿ“ข Panoorin ang Mensahe ng Municipal Health Officer ng Alitagtag

Inaanyayahan po namin ang lahat na panoorin ang mahalagang mensahe ni Dr. Flordeliza V. Castillo, Municipal Health Officer ng Alitagtag, tungkol sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) 2026.

Alamin kung bakit mahalagang mabakunahan ang ating mga anak na may edad 6โ€“59 buwan laban sa tigdas at rubella, at suportahan ang kampanya para sa isang ligtas at malusog na komunidad.

MRSIA 2026
๐Ÿ—“๏ธ August 10โ€“28, 2026

Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Alitagtageรฑo. Magpabakuna, magpa-Vitamin A, at makiisa sa MRSIA 2026!

๐”๐๐ˆ๐…๐ˆ๐„๐ƒ ๐๐€๐‚๐Š๐€๐†๐„ ๐…๐Ž๐‘ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐‹๐ˆ๐‡๐Ž๐Ž๐ƒ, ๐ˆ๐๐ƒ๐”๐’๐“๐‘๐˜, ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐“๐‘๐€๐๐’๐๐Ž๐‘๐“ (๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“) ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„Ang Unified Package for Livelihoods, Ind...
06/08/2026

๐”๐๐ˆ๐…๐ˆ๐„๐ƒ ๐๐€๐‚๐Š๐€๐†๐„ ๐…๐Ž๐‘ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐‹๐ˆ๐‡๐Ž๐Ž๐ƒ, ๐ˆ๐๐ƒ๐”๐’๐“๐‘๐˜, ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐“๐‘๐€๐๐’๐๐Ž๐‘๐“ (๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“) ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„

Ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) ay ipinatutupad alinsunod sa Executive Order No. 110 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Marso 24, 2026. Sa pamamagitan nito ay idineklara ang State of National Energy Emergency at inatasan ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na magpatupad ng mga programang magbibigay ng agarang ayuda at kabuhayan sa mga pamilyang higit na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†-๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ (๐—–๐—•๐— ๐—ฆ) ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป.

Ang UPLIFT Program ay isang programa ng pamahalaang nasyonal na naglalayong magbigay ng direktang tulong pinansyal sa mga pamilyang higit na naaapektuhan ng mataas na presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin. Sa ilalim nito, ang mga benepisyaryong kabilang sa unang grupo ay makatatanggap ng isang beses na tulong pinansyal na nagkakahalaga ng โ‚ฑ2,000. Samantala, ang mga kabilang sa ikalawa at ikatlong grupo ay makatatanggap ng โ‚ฑ2,000 bawat buwan mula Hunyo hanggang Disyembre, alinsunod sa mga pamantayan at gabay na itinakda ng DSWD.

Bilang inyong Punong Bayan, buong PUSO kong sinusuportahan ang mga programang nagbibigay ng ginhawa sa ating mga kababayan. Patuloy din po ang aking pakikipag-ugnayan at pagsusumite ng kaukulang kahilingan sa mga kinauukulang ahensya upang madagdagan pa ang bilang ng mga benepisyaryong Alitagtageรฑo na mapapasama sa programang ito. Hangad ko na mas marami pa sa ating mga kababayan ang mabigyan ng pagkakataong makatanggap ng tulong at maranasan ang malasakit ng pamahalaan.

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽDahil sa patuloy na epekto ng pinaiigting na Habagat dulot ng Bagyong Maymay, ipinatutupad po natin an...
06/08/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Dahil sa patuloy na epekto ng pinaiigting na Habagat dulot ng Bagyong Maymay, ipinatutupad po natin ang walang face-to-face classes sa buong Bayan ng Alitagtag bukas Agosto 7, 2026 (Biyernes).

Lahat ng antasโ€”pampubliko man o pribado, kasama ang ECCD at ALSโ€”ay pansamantalang lilipat sa online o modular distance learning, alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC at DepEd Alitagtag Sub-Office.

Hindi na rin kinakailangang pisikal na mag-report sa kani-kanilang paaralan ang mga kawani ng DepEd

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at magulang ang ating pangunahing prayoridad. Patuloy po tayong mag-ingat at makinig sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.


06/08/2026
๐‚๐Ž๐๐’๐”๐‹๐“๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐Ž๐ ๐€๐†๐‘๐ˆ-๐…๐ˆ๐’๐‡๐„๐‘๐˜ ๐€๐๐ƒ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐’๐“๐Ž๐‚๐Š ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐€๐๐ƒ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“Ang inyo pong lingkod ay personal na dumalo s...
06/08/2026

๐‚๐Ž๐๐’๐”๐‹๐“๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐Ž๐ ๐€๐†๐‘๐ˆ-๐…๐ˆ๐’๐‡๐„๐‘๐˜ ๐€๐๐ƒ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐’๐“๐Ž๐‚๐Š ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐€๐๐ƒ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“

Ang inyo pong lingkod ay personal na dumalo sa isinagawang Consultative Meeting on Agri-Fishery and Livestock Projects and Development kahapon, ika-05 ng Agosto 2026, sa Bayan ng Rosario, Batangas, bilang pakikiisa sa mga hakbang na naglalayong higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura, pangisdaan, at paghahayupan sa ating bayan at sa buong lalawigan.

Sa pulong na ito ay tinalakay ang mga programa at serbisyong nakalaan ng Department of Agriculture para sa Fiscal Year 2026, kabilang ang mga plano para sa crop production, fisheries, at livestock development. Naging mahalagang bahagi rin ang open forum kung saan naiparating ng mga lokal na pamahalaan at ibaโ€™t ibang sektor ang mga mungkahi at pangangailangan.

Taos-puso po akong nagpapasalamat kay Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang patuloy na pamumuno at suporta mga programang nagbibigay ng mas maraming pagkakataon upang mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga magsasaka, mangingisda, at mga nag-aalaga ng hayop. Malaking inspirasyon ang patuloy ninyong pagtutok sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura para sa kapakinabangan ng bawat Batangueรฑo.

Makakaasa po kayo na ang Pamahalaang Bayan ng Alitagtag ay mananatiling katuwang sa pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa ating sektor ng agrikultura at magdadala ng mas maunlad na kabuhayan para sa ating mga mamamayan.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ซ ๐๐š๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ค ๐‘๐ž๐ฒ๐ž๐ฌ! Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong masigasig na paglilingkod bilang ka...
05/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ซ ๐๐š๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ค ๐‘๐ž๐ฒ๐ž๐ฌ!

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong masigasig na paglilingkod bilang kawani ng ating Lokal na Pamahalaan at sa patuloy ninyong dedikasyon sa bayan.

๐Œ๐„๐Œ๐Ž๐‘๐€๐๐ƒ๐”๐Œ ๐‚๐ˆ๐‘๐‚๐”๐‹๐€๐‘ ๐๐Ž. ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ, ๐ฌ. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”In view of the continued heavy rainfall brought about by Tropical Storm Maymay and t...
05/08/2026

๐Œ๐„๐Œ๐Ž๐‘๐€๐๐ƒ๐”๐Œ ๐‚๐ˆ๐‘๐‚๐”๐‹๐€๐‘ ๐๐Ž. ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ, ๐ฌ. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

In view of the continued heavy rainfall brought about by Tropical Storm Maymay and the Southwest Monsoon, and upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), work in government offices and classes at all levels in the National Capital Region and the provinces of Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, and Occidental Mindoro are hereby suspended on 06 August 2026.

Agencies delivering essential and emergency services shall continue their operations. The suspension of work in private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/5V8uZY

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽDahil sa patuloy na epekto ng pinaiigting na Habagat dulot ng Bagyong Maymay, ipinatutupad po natin an...
05/08/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Dahil sa patuloy na epekto ng pinaiigting na Habagat dulot ng Bagyong Maymay, ipinatutupad po natin ang walang face-to-face classes sa buong Bayan ng Alitagtag ngayong Agosto 6, 2026 (Huwebes).

Lahat ng antasโ€”pampubliko man o pribado, kasama ang ECCD at ALSโ€”ay pansamantalang lilipat sa online o modular distance learning, alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC at DepEd Alitagtag Sub-Office.

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at magulang ang ating pangunahing prayoridad. Patuloy po tayong mag-ingat at makinig sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.


๐‚๐”๐‹๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐€๐‚๐“๐ˆ๐•๐ˆ๐“๐˜ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐ŸฅฆAng matagumpay na pagdaraos ng Culminating Activity ng Nutrition Mo...
05/08/2026

๐‚๐”๐‹๐Œ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐€๐‚๐“๐ˆ๐•๐ˆ๐“๐˜ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐Ÿฅฆ

Ang matagumpay na pagdaraos ng Culminating Activity ng Nutrition Month Celebration kahapon ika-04 ng Agosto 2026 ay patunay na kapag nagkakaisa ang pamahalaan at komunidad, mas nagiging makabuluhan ang bawat programang nagtataguyod ng kalusugan at wastong nutrisyon.

Lubos ang aking pasasalamat sa mga kawani ng Alitagtag Rural Health Unit, sa pangunguna ni Dra. Flordeliza V. Castillo, sa kanilang dedikasyon at mahusay na pangangasiwa sa programang ito. Tunay na mahalaga ang inyong patuloy na paglilingkod upang maisulong ang mas malusog at mas matatag na pamayanan.

Nakakatuwang masaksihan ang aktibong pakikilahok ng ating mga barangay sa Food Presentation, kung saan ipinakita ang kanilang pagkamalikhain, kaalaman, at pagpapahalaga sa paghahanda ng masustansiya at ligtas na pagkain. Ang bawat inihandang presentasyon ay sumasalamin sa sama-samang adhikain nating mapabuti ang kalusugan ng bawat pamilyang Alitagtageรฑo.

Taos-puso rin ang aking pasasalamat kay Hon. Jhun Gonzales, Chairman ng Committee on Health and Sanitation, sa lahat ng ating mga Punong Barangay at Opisyal ng Barangay, sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs), at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na walang sawang katuwang ng ating lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon.

Maraming salamat din sa ating mga naging hurado na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at propesyonal na pagsusuri upang maging matagumpay at makatarungan ang patimpalak, kina Ma'am Jesah Jobli Cale, Registered Nutritionist-Dietitian, Batangas Provincial Office; Ma'am Grace De Magundayao, Nutritionist-Dietitian ng Martin Marasigan; at Ma'am Alyana Contreras ng Generika Pharmacy.

Binabati ko rin ang lahat ng mga nagwagi sa iba't ibang kategorya ng mga patimpalak. Higit sa anumang pagkilala, ang tunay na tagumpay ay ang mas malalim nating pag-unawa sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at ang sama-samang pagkilos upang ito ay maisabuhay sa bawat tahanan.

Patuloy nating isusulong ang mga programang nagbibigay-halaga sa kalusugan, tamang nutrisyon, at kapakanan ng bawat mamamayan. Sapagkat ang isang malusog na Alitagtageรฑo ang pundasyon ng isang mas maunlad at mas matatag na Bayan ng Alitagtag.

Address

2F, Municipal Hall, Poblacion East
Alitagtag
4205

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Jo-Ann Ponggos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share