19/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at bunsod ng Heavy Rainfall Warnings na dulot ng binabantayan LPA sa Silangan ng Bansa at alinsunod sa MC 131 Series 2026 ng Malacaรฑang, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Bayan ng Alitagtag bukas Huwebes, Agosto 20, 2026.
Pampubliko man o pribado, kasama ang ECCD at ALSโay pansamantalang lilipat sa online o modular distance learning, alinsunod sa rekomendasyon ng MDRRMC at DepEd Alitagtag Sub-Office. Samantala, ang mga tanggapan ng pamahalaan ay lilipat sa work-from-home arrangement.
Patuloy po tayong mag-ingat at makinig sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.