Sangguniang Kabataan ng Barangay M.H Del Pilar

Sangguniang Kabataan ng Barangay M.H Del Pilar Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Barangay M.H Del Pilar, Political organisation, M. H Del Pilar, Isabela, Alicia.

Ang proyekto ng SOLAR LIGHT ng Sangguniang Kabataan (SK) ay inilaan bilang pang-backup lamang, sapagkat sa dami ng mga k...
12/03/2026

Ang proyekto ng SOLAR LIGHT ng Sangguniang Kabataan (SK) ay inilaan bilang pang-backup lamang, sapagkat sa dami ng mga kahilingan, hindi nito kayang saklawin ang lahat ng lugar sa kasalukuyang termino. Gayunpaman, ngayong taon ay gagawin ng SK ang lahat ng makakaya upang matugunan at malagyan ang mga bahagi na dati nang nagpaabot ng kanilang pangangailangan. Bagamat hindi perpekto ang kasalukuyang SK, umaasa tayo na ang susunod na administrasyon ng liderato ng kabataan ay ipagpapatuloy ang proyektong ito upang mas mapalawig at masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo sa buong barangay.

-Abelardo β€œFranco” B. Gallardo
Sk Chairman and Councils

πŸ“’PAALALA PO SA MGA BOTANTE – LIST OF VOTERS FOR DEACTIVATIONAng listahang ito ay mula sa Commission on Elections (COMELE...
13/02/2026

πŸ“’PAALALA PO SA MGA BOTANTE – LIST OF VOTERS FOR DEACTIVATION

Ang listahang ito ay mula sa Commission on Elections (COMELEC) na may record na FAILED TO VOTE IN 2 CONSECUTIVE ELECTIONS but not yet deleted.

PAALALA:
β€’ Ang ilan sa mga nakalista ay maaaring pumanaw na.
β€’ Ang iba naman ay nasa ibang bansa.

Kung kayo ay nasa listahan at nais ma-reactivate ang inyong pangalan:

βœ… makipag-ugnayan muna sa inyong District SK Kagawad/SK Chairman na may hawak ng inyong papeles upang ito ay ma-receive at ma-validate.

βœ… Magtungo sa tanggapan ng COMELEC upang maayos ang inyong status.

Kung may kaanak na pumanaw na kabilang sa listahan, maaaring ipagbigay-alam ito sa kinauukulan upang ma-update ang record.

PAALALA:
Mahalaga ang inyong boto. Huwag hayaang mawala ang inyong karapatan dahil lamang sa hindi pag-aayos ng inyong rekord.❗️

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong SK Officials. /SK Chairman: Franco B. Gallardo

17/01/2026

PANAWAGAN β€ΌοΈπŸ“’

Inaanyayahan po ang lahat ng nais dumalo sa Fun Run Event na gaganapin bukas January 18,2026 (Sunday) sa Ilagan, na mangyaring magtungo sa Barangay Hall ng Barangay M.H. Del Pilar para po sa libreng transportasyon gamit ang Rodito Truck.

Time: Alas 12:00 Pm
Venue: Barangay Hall, Brgy. M.H. Del Pilar

πŸ“Œ Paunawa:
Sa Ilagan na rin po bibili ng damit para sa registration.

fee:
β€’ β‚±150 – Regular
β€’ β‚±100 – Students

Kitakits po tayong lahat! Maraming salamat❣️

"From Darkness To Light" πŸ’‘Sa pamumuno ni Sangguniang Kabataan Chairman Hon. Abelardo "Franco" Gallardo at konseho, matag...
28/12/2025

"From Darkness To Light" πŸ’‘

Sa pamumuno ni Sangguniang Kabataan Chairman Hon. Abelardo "Franco" Gallardo at konseho, matagumpay ng napailawan ang bahagi ng M.H Del Pilar - San Francisco - Simenteryo Road bilang bahagi ng proyektong kaligtasan para sa lahat.

Maraming salamat kay Barangay Kagawad Hon. Benny Podes, Hon. Francis Ngoloban, Hon. Domingo Kingat at buong barangay Council sa pamumuno ni punong barangay Hon. Rogelio C. Sanchez at sa ating masisipag na Barangay Tanod, ganun din sa suporta ng ating punong Bayan Mayor Hon. Joel Alejandro.

Mula sa liderato ng Kabataan, para sa kapakanan ng mamamayan. ❀️, πŸ‡΅πŸ‡­

Kasulukuyan napong isinasagawa ang pagpapatayo ng mga solar streetlights sa kahabaan ng Del Pilar – Simenteryo Road. Mar...
28/12/2025

Kasulukuyan napong isinasagawa ang pagpapatayo ng mga solar streetlights sa kahabaan ng Del Pilar – Simenteryo Road. Maraming salamat sa lahat ng tumulong at nakiisa sa proyektong ito ng Sangguniang Kabataan, lalo na kina Brgy. Kagawad Benny Podes, Francis Ngoloban, Domingo Kingat, at sa lahat ng barangay Kagawad, at sa suporta ng ating Kapitan Rogelio sanchez at mahal na punong bayan Mayor Joel Alejandro, Chief Tanod Welardy Andres, at sa ating mga masisipag na Barangay Tanod.

Mula sa liderato ng kabataan, para sa kapakanan ng pamayanan❀️

β€œπ‘Άπ’‡π’‡π’Šπ’„π’Šπ’‚π’π’π’š 𝒂 π‘Ήπ’†π’ˆπ’Šπ’”π’•π’†π’“π’†π’… 𝑡𝒖𝒓𝒔𝒆. π‘«π’“π’†π’‚π’Žπ’” 𝒅𝒐 π’„π’π’Žπ’† 𝒕𝒓𝒖𝒆.”Congratulations on becoming a Registered Nurse! Passing the board e...
27/11/2025

β€œπ‘Άπ’‡π’‡π’Šπ’„π’Šπ’‚π’π’π’š 𝒂 π‘Ήπ’†π’ˆπ’Šπ’”π’•π’†π’“π’†π’… 𝑡𝒖𝒓𝒔𝒆. π‘«π’“π’†π’‚π’Žπ’” 𝒅𝒐 π’„π’π’Žπ’† 𝒕𝒓𝒖𝒆.”

Congratulations on becoming a Registered Nurse! Passing the board exam is no small accomplishment. You worked so hard for this moment, and now all your effort has been rewarded.

Lubos pong nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan ng Barangay M.H. Del Pilar, sa pamumuno ni SK Chairman Hon. Abelardo ...
17/10/2025

Lubos pong nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan ng Barangay M.H. Del Pilar, sa pamumuno ni SK Chairman Hon. Abelardo β€œFranco” B. Gallardo at ng SK Council, sa ating butihing Mayor Atty. Joel Amos P. Alejandro sa ipinagkaloob na 10 yunit ng solar street lights para sa ating barangay!

Ang inyong walang sawang suporta sa bawat barangay at sa kabataan ay tunay na inspirasyon.

Maraming salamat po, Mayor, sa inyong patuloy na malasakit at pagkalinga. Sama-sama nating pagningasin ang mas maliwanag at mas maunlad na Barangay M.H. Del Pilar! β€οΈπŸ’š


Address

M. H Del Pilar, Isabela
Alicia
3306

Telephone

+639609040323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay M.H Del Pilar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Barangay M.H Del Pilar:

Share