22/03/2023
๐ฅ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ฒ๐ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ
Ang Municipality of Alicia, Isabela sa pamumuno ng ating Alkalde Atty. Joel Amos P. Alejandro,CPA kasama ang Municipal Agriculture Office katuwang ang Rural Health Unit Alicia ay ipinagdiriwang ang Rabies Awareness Month na may temang "Rabies-free na pusa't a*o, kaligtasan ng pamilyang Pilipinoโ ngayong araw, ika-22 ng Marso, 2023.
Bilang parte ng programa, Ang Municipal Agriculture Office sa pakikipagtulugan sa Provincial Veterinary Office ay nagkaroon ng libreng Anti-Rabies Vaccination sa mga a*o at pusa. Layunin nito ang pagsulong ng Rabies-Free Municipality at masiguro na protektado sa anumang uring sakit ang mga alagang hayop.
Kabilang dito, ang Rural Health Unit Alicia ay nagsagawa ng Social and Behavior Change Communication patungkol sa Rabies, Republic Act 9482 ( Anti Rabies Act of 2007) at Responsible Pet Ownership sa mga dumalo sa programa. Ganun din ang pamamahagi ng mga flyers patungkol s programa.
RHU Alicia Animal Bite Center
Team One Alicia