19/05/2026
๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐๐๐ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฎ ๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐พ๐ง
Nagpulong ngayong araw ang ilan sa mga Pangulo ng Irrigators Association (IA) sa bayan ng Aliaga kasama sina Mayor Gilbert G. Moreno at Councilor Isidro P. Respicio upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng mga patubig at irigasyon at ibaโt ibang suliraning kinahaharap ng mga magsasaka kaugnay ng suplay at management ng patubig.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Vice Mayor Au Moreno at Municipal Agriculturist, Engr. John Lerry B. Bautista.
Nagkaroon ng bukas na talakayan kung saan naipahayag ng mga magsasaka at kinatawan ng IA ang kanilang mga mungkahi at rekomendasyon, na personal namang pinakinggan at binigyang-pansin ng ating butihing Punong Bayan.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, nagkaroon ng pagkakaisa sa pagbuo ng mga posibleng programa at hakbangin ng pamahalaan para sa mas maayos at episyenteng daloy ng patubig ngayong panahon ng taniman at sa mga susunod pang sakahan.
Sa pamamagitan ng patuloy na konsultasyon at pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at sektor ng agrikultura, higit na napapalakas ang ugnayan at sama-samang adhikain tungo sa maayos na pamamahala ng patubig at masaganang ani para sa bawat magsasaka.