10/06/2025
Magandang araw po sa lahat!
Una sa lahat, nais po naming magpasalamat sa lahat ng sumusuporta at nagpapakita ng interes sa nalalapit nating liga. Lubos po naming na-appreciate ang inyong mga suggestions at concerns, lalo na patungkol sa age bracket ng mga kalahok.
Gayunpaman, nais po naming ipabatid na ang desisyon ukol sa age bracket ay pinal na at hindi na po ito mababago, alinsunod sa napagkasunduan ng SK Council matapos ang masusing pag-uusap at deliberasyon.
Humihingi po kami ng paumanhin kung may mga nadismaya o hindi nakaabot sa bracket. Hindi po madali ang pagbuo ng guidelines, pero sinigurado po naming makatarungan at balanse ito para sa lahat ng kalahok.
Asahan niyo pong ang aming priority ay ang maayos, ligtas, at masayang daloy ng liga para sa buong komunidad. Maraming salamat po sa pang-unawa at patuloy na suporta!
โ SK Taywanak Ilaya