30/05/2026
PROJECT PAILAW NG CAGAYAN COPS, NAGBIGAY PAG-ASA SA ISANG PAMILYA
Sa gitna ng tahimik na komunidad sa Abulug, Cagayan isang simpleng pagtugon ang muling naghatid ng liwanag at pag-asa sa isang pamilyang matagal nang humaharap sa mabibigat na hamon ng buhay.
Sa pamumuno ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. noong May 28, 2026, patuloy na ipinapakita ng Abulug Municipal Police Station ang malasakit sa pamamagitan ng agarang pag-abot ng tulong sa mga kababayang higit na nangangailangan sa kanilang nasasakupan.
Isang nakatatandang mag-asawa mula sa Brgy. Sta. Rosa ang nabigyan ng food assistance matapos silang kapwa mawalan ng kakayahang maghanapbuhay dahil sa karamdaman, dahilan upang lalo pang maging mahirap ang kanilang araw-araw na pangangailangan.
Ang tulong ay nagmula sa inisyatiba ng isang miyembro ng Municipal Advisory Group (MAG) kasama ang iba pang miyembro na patuloy na sumusuporta sa mga programang nakatuon sa malasakit at pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.
Bukod sa pagkain, ipinagkaloob din ang isang solar-powered lamp sa ilalim ng “Project Pailaw” na nagsilbing liwanag sa kanilang tahanan tuwing gabi at simbolo ng pag-asa sa gitna ng pagsubok.
Ang ganitong inisyatiba ay nagpapakita ng mas pinatibay na ugnayan ng pulisya at komunidad na nakaangkla sa PNP Focused Agenda na naglalayong gawing mas ramdam ng mamamayan ang serbisyo ng pulisya sa pamamagitan ng Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support.
Sa hiwalay na pahayag, binigyang-diin ni PNP Chief ang kahalagahan ng ganitong uri ng paglilingkod sa komunidad.
Aniya, "Ang inisyatibang ito ay patunay ng aming patuloy na tungkulin na maglingkod nang may malasakit lampas sa pagpapatupad ng batas."
“Our duty goes beyond protection; it is also about compassion and care for those in need.”
Patuloy na pinaiigting ng PNP ang serbisyong may malasakit at presensya sa komunidad alinsunod sa adhikain nitong “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
(PNP-PIO)