01/06/2026
𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡! 🏳️🌈
Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon, sa pangunguna ni Gov. Trina Firmalo-Fabic, sa opisyal na pagbubukas ng pagdiriwang ng Pride Month ngayong araw, June 1.
Layunin nito na muling bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, inklusibong serbisyo, at paggalang sa karapatan ng bawat miyembro ng LGBTQIA+ community sa buong lalawigan.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagtataguyod ng mga programa na sumusuporta sa kapakanan ng lahat ng sektor upang masiguro na walang Romblomanon ang maiiwan, anuman ang kasarian.