27/03/2026
๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ณ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐๐๐๐ฎ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ถ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐
๐
March 26, 2026
Isang makabuluhang araw para sa mga Sustainable Livelihood Assistance Associations (SLPA) sa ating bayan ang ginanap na awarding of grants nitong ika-26 ng Marso 2026.
Limang asosasyon (2nd batch) ang pormal na tumanggap ng tulong-pinansyal para sa kanilang Integrated Farming Project, na naglalayong palakasin ang produksyon sa agrikultura bilang pangmatagalang kabuhayan ng kanilang mga kasapi:
๐น Bigkis Kisikis SLPA
๐น ALSS Powering SLPA
๐น MPPSC Agriculture SLPA
๐น GAC Overseas SLPA
๐น Macayo Agri Farmers SLPA
Ang kabuuang halagang ipinagkaloob ay magsisilbing puhunan para sa pagpapaunlad ng kanilang integrated farming system, na inaasahang magbibigay ng dagdag kita at mas matatag na samahan para sa bawat miyembro.
Nakiisa at nagbigay suporta sa aktibidad sina:
โข Hon. Manuel T. Collado, Municipal Mayor - Alcala, Pangasinan
โข Ms. Evangeline N. Del Castillo, Municipal Social Welfare and Development Officer
โข Ronald G. Gabriel, Provincial Coordinator - SLP
โข Francis D. Bustamante, Provincial Monitoring and Evaluation Officer - SLP
โข Laarni A. Cabatbat, Provincial Partnership Officer - SLP
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pakikipagtutulungan ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng oportunidad ang mga asosasyon na umangat, maging produktibo, at magkaroon ng pangmatagalang kabuhayan.
Sama-sama para sa mas maunlad at mas matatag na komunidad! ๐พ๐