09/06/2026
BAYANIHAN PARA SA MINDANAO
Sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG), Pangasinan Andawis Eagles Club katuwang ang Coast Guard Auxiliary 705th Auxiliary Squadron, inilulunsad ang kampanyang “Bayanihan sa Pagbangon: Kaligtasan ang Ating Misyon” para sa mga komunidad na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Tumatanggap ang PCG ng in-kind donations tulad ng pagkain, malinis na tubig, gamot, hygiene kits, flashlights, at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga nasalanta.
Sa gitna ng trahedya, umiiral ang diwa ng bayanihan—kung saan ang bawat tulong ay hakbang tungo sa pagbangon ng Mindanao.