21/07/2026
Sa pag titiyak po ng siguridad ng ating mga ka Barangay lalo na po sa ating mga mag aaral sa pag pa*ok nila mula Lunes-Byernes.
Kami po sa Sangguniang Barangay ay gumagawa ng mga kaukulang hakbang sa pangunguna po ng Inyong lingkod. Sa ating kasamahan na may hawak ng Kumitiba ng edukasyon kag. Randl Manalo at Peace and Order kag. Ericson Dionglay. Kagawad Isidro Villanueva n naka talaga sa Kumitiba ng Pagawaing Barangay.At sa pangunguna po ng hepe ng ating Bantay Bayan Hepe Juluis Laban
Sa Umaga po ang ating mga Bantay Bayan kasama din po kami minsan ay nag aassist sa pag papa tawid ng mga mag aaral at mga magulang. Sa bahagi ng By pass road malapit sa ating Barangay hall. Sa crossing intersection a Calabarzon at sa mismong tapat ng bahagi ng Ibayiw integrated National High school at San Miguel Elementary School.
Sa hapon po nmn ay aminado po kami na di po nmin lagiang nagagampanan ang pag papa tawid. Sa kadahilanan pong ang ating mga bantay bayan ay may kanya kanya pong trabaho para sa kanilang mga pamilya.Ngunit kami po ay gumagawa ng hakbang upang ito ay masulusyonan habang wala pa po kaming nakukuhang pwede maitalagang mag tatawid.
Gumawa po kami ng kahilingang sulat sa DPWH San Pablo. Ito ay upang matulongan ang ating Sangguniang Barangay na mag ka meron ng mga warning device sa mga lugar tawiran.
Kabilang po dito ang Pag lalagay ng center barrier o Stop light sa crossing s Calabarzon na laging pinag mumulan ng aksidente.
Nakipag ugnayan din po tayo sa ating lokal na pamahalaan sa ating bayan na mapag bigyan tayo na makapag talaga ng traffic enforcer sa ating lugar upang mas ma tiyak po ang siguridad ng mga mag aaral at magulang.
Isa pa pong hakbang na aming gagawin ay ang makipag ugnayan sa mga paaralan na nasasakopan upang mag palitan ng Kuro Kuro at baka sakali po na pwede makapag assign ang apat na Barangay ng Ibayiw ng kanya kanyang bantay bayan.
May araw o schedule po. Ito ay kung Pag Sasang ayonan ng lahat ay napaka laking bagay.
Sa mga magulang ang amin pong Pag hingi ng pa umanhin kung sa ngayon ganto po sitwasyon natin sa pag patak ng hapon.
May awa po ang Diyos sa Pag tutulongqn po natin magiging ma ayos ang lahat. Salamat po sa Inyong pang unawa.
Ingat po ang lahat God bless us all🙏🙏🙏