22/02/2026
Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at nakisaya sa ating SK Night. 🫶✨
Sa bawat ngiti, palakpak, sayaw, at suporta na ipinakita ninyo ramdam na ramdam namin ang pagmamahal at pagkakaisa ng ating kabataan at komunidad. Sana kahit sa simpleng paraan, nabigyan namin kayo ng isang gabi na puno ng saya, alaala, at pagkakaibigan.
Sa loob ng mga taong panunungkulan namin bilang SK 2023–2026, napakabilis ng panahon. Parang kailan lang nagsisimula pa lang kami, pero ngayon ay nasa huling taon na tayo. Sa kabila ng bilis ng oras, sobrang dami na nating pinagsamahan mga programa, liga, events, tawanan, pagod, at tagumpay.
Ngayong huling taon na namin bilang SK 2023–2026, mas naging espesyal ang gabing ito para sa amin. Hindi lang ito isang programa isa itong alaala na habang-buhay naming babaunin sa aming mga puso. Nawa sa pagtatapos ng termino namin, kahit papaano ay nabigyan namin kayo ng kasiyahan at nag-iwan kami ng masasayang alaala sa bawat isa.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Hon. Vice Mayor Anton Perez, na kinatawan ni Mr. Michael Ralph Cardenas, at kay Hon. Councilor Ion Fontelera, na kinatawan ni Mrs. Aura Jyny Villena-Martin. Lubos din po ang aming pasasalamat kay Atty. Cirilo Ban Radoc sa pagbibigay ng oras at pagsama sa amin ngayong gabi. Malaking karangalan po ang inyong presensya at suporta.
Maraming salamat din po sa aming mahal na Punong Barangay at sa buong Barangay Council sa patuloy na suporta at paggabay. Sa aking kapwa SK Officials, sa lahat ng tumulong sa likod ng programa taos-puso po ang aming pasasalamat.
At sa lahat ng aming sponsors na hindi ko na po maisa-isa, maraming maraming salamat po sa inyong kabutihan at suporta. Malaking bahagi po kayo ng tagumpay ng gabing ito.
Sa bawat isa sa inyo, salamat po sa tiwala, suporta, at pagmamahal. 💙
Hanggang sa muli at nawa’y patuloy tayong magsama-sama para sa mas magandang bukas ng ating kabataan.