31/08/2026
PABATID!
Sa kasalukuyan, may ilang cellphone at isang plastic envelope na naglalaman ng mahahalagang dokumento na naisurrender sa aming tanggapan.
Ang plastic envelope ay may mga dokumentong nakapangalan kay Roland Opulento Valdez, habang ang ilan sa mga cellphone ay wala pang pagkakakilanlan ng may-ari.
Kung kayo po ang may-ari o may kakilalang maaaring may-ari ng mga nasabing gamit, mangyaring makipag-ugnayan o personal na pumunta sa aming tanggapan upang ma-claim ang mga ito.
Para sa verification, mangyaring magdala ng anumang patunay ng pagmamay-ari.
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan.