City Information Office - Alaminos City, Pangasinan

City Information Office - Alaminos City, Pangasinan Alaminos City | City Information Office Official page

18/08/2026

Thank you very much, City Councilor Kelvin Theus "TON-TON" O. Humilde, for recognizing the dedication and efforts of our personnel and for extending your generous support to our City Information Office-family.

More power and God bless Konsi Tonton Humilde💙

LOOK: Members of TAU GAMMA PHI Alaminos City Triskelion Council planted Narra seedlings and bamboos at our City Tree Par...
16/08/2026

LOOK: Members of TAU GAMMA PHI Alaminos City Triskelion Council planted Narra seedlings and bamboos at our City Tree Park in Bgry San Vicente this morning.

The said tree growing activity is part of their anniversary celebration and their continuing commitment to the city government's ongoing efforts to protect and nurture our environment and natural resources.

Adopt A Mountain Project Incharge, SAO Gester I. Tolentino guided today's volunteers and urged them to plant more trees and regularly visit our tree park.

3rd Rice Paddy Art malapit ng matunghayanSa maghapong pagsisikap ng ating mga farmer-leaders kasama ang mga mag-aaral at...
12/08/2026

3rd Rice Paddy Art malapit ng matunghayan

Sa maghapong pagsisikap ng ating mga farmer-leaders kasama ang mga mag-aaral at g**o ng Alaminos City National High School (ACNHS) at kawani ng pamahalaang lungsod ng Alaminos, nakumpleto ang pagtatanim ng purple rice at iba pang variety ng palay para sa bagong Rice Paddy Art sa ating City Technology Demonstration Farm sa Brgy. Tangcarang.

Ang naturang gawain ay pinangunahan nina Sangguniang Panlungsod Member at SP Committee Chairman on Agriculture Atty. Walter M. Macaiba, Science Research Specialist II Nonilon Martin ng PhilRice Batac, City Agriculture and Fishery Council Chairman Renato Villanueva, ACNHS Principal III Rey Pascua at Supervising Administrative Officer Gester Tolentino ng City Agriculture Office.

Layon ng proyektong ito ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste na mas mahikayat ang mga kabataan na tahakin ang larangan ng agrikultura at yakapin ang makabagong teknolohiya sa pagsasaka,

Bahagi din ito ng kanyang programa na mapalakas ang agri-tourism sa lungsod at maging isa sa mga nangungunang benchmarking site para sa pagpapaunlad at modernisasyon ng agrikultura sa buong Region 1.

Makalipas lamang nang isang buwan, matutunghayan na ng lahat ng mga bibisita sa ating Demo-Farm ang angking ganda ng ating Rice Paddy Art na pangatlong pagkakataon ng naisakatuparan ngayong taon sa tulong at gabay ng PhilRice.

Bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month at National Blood Donors Month, matagumpay na isi...
31/07/2026

Bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month at National Blood Donors Month, matagumpay na isinagawa ang Mass Blood Donation and Culminating Activity sa Don Leopoldo Sison Convention Center ngayong araw.

Sa sama-samang pakikiisa ng mga boluntaryong blood donors at mga katuwang na ahensya, nakalikom ng 89 bags ng dugo na makatutulong sa patuloy na pagsuporta sa mga pangangailangan ng mga pasyente at sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo para sa mga emergency.

Sa mensaheng ipinaabot ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste, na binigyang-boses ni City Administrator Arthur C. Celeste Jr., ipinahayag ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga blood donors at mga katuwang na ahensya sa kanilang mahalagang ambag sa pagsagip ng buhay. Binigyang-diin din niya na ang bawat donasyong dugo ay sumasalamin sa diwa ng malasakit, pagkakaisa, at boluntaryong paglilingkod sa kapwa.

Samantala, dumalo at nagbigay mensahe naman si City Vice Mayor Jose Antonio Miguel Y. Perez na kinatawan ni Private Secretary Hecson Lee De Vera, at si Chapter Administrator Maricon B. Dawang ng Philippine Red Cross – Alaminos City–Western Pangasinan Chapter, na nagpahayag ng pasasalamat sa mga donor at mga katuwang sa programa. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng regular na blood donation upang matiyak ang sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan at sa mga sitwasyong pang-emergency.

Naging matagumpay ang program sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) sa pamumuno ni CGDH-1 Mylene O. Manalastas.

🎓 CONGRATULATIONS, MICO & LANCE! 🎉The City Information Office proudly congratulates Mico Molina and Oliver Caralde on th...
30/07/2026

🎓 CONGRATULATIONS, MICO & LANCE! 🎉

The City Information Office proudly congratulates Mico Molina and Oliver Caralde on their graduation with a Bachelor in Industrial Technology major in Electronics Technology (BIT) under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) of Pangasinan State University – Lingayen Campus.

Your dedication to balancing work and studies is truly commendable. This achievement is a testament to your perseverance, commitment to personal growth, and continuous pursuit of excellence.

May this accomplishment inspire you to keep learning, growing, and serving with excellence.

Your CIO family is proud of you! 💙

29/07/2026
TIGNAN: Isinasagawa ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Reg...
27/07/2026

TIGNAN: Isinasagawa ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Welfare Office 1, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at Alaminos City OFW Family Association (ACOFA), ang unang araw ng 2 days training na may temang, "Strengthening the 24/7 Operations: Enhancing Gender-Responsive Welfare Case Management and Repatriation Assistance Training with OFC Leaders in Region I."

Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng OFW Family Circles (OFCs) at OFC Leaders mula sa Districts 1 at 2 ng Western Pangasinan upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman at mapatatag ang koordinasyon sa paghahatid ng maagap, gender-responsive, at dekalidad na welfare case management at repatriation assistance para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya. Ipinaabot din niya ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga makabagong bayani para sa kanilang mahalagang ambag sa pag-unlad ng bansa.

Samantala, ipinahayag ni OWWA Regional Director II Marivic L. Mondina ang kahalagahan ng pagpapalakas sa kakayahan ng mga OFC Leaders bilang mga pangunahing katuwang ng OWWA sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga OFWs. Binigyang-diin niya na sa pamamagitan ng gender-responsive welfare case management at maayos na repatriation assistance, mas magiging mabilis, episyente, at makatao ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino.

Nakiisa rin sa programa sina PESO Manager Eleanor T. Bruno at Migrant Desk Officer Jocelyn Bersano, na nagpahayag ng kanilang suporta sa patuloy na pagpapaigting ng mga inisyatiba at programang naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan ng mga ahensya at organisasyon.

Naging resource speaker si Head ng Welfare Assistance Unit at Post-Arrival Repatriation Assistance Unit/Case Officer Dolly Ann G. Camacho, na nagbigay ng talakayan tungkol sa Overview of 24/7 Operations, kung saan ipinaliwanag ang mga proseso at serbisyong ibinibigay ng OWWA sa mga OFWs na nangangailangan ng agarang tulong at repatriation.

Samantala, tinalakay naman ni Glena Hella O. Agudera ng Welfare Assistance Unit ang paksang Welfare Case Management, na nakatuon sa wastong paghawak at pamamahala ng mga kaso ng mga OFWs upang matiyak ang maagap at episyenteng pagbibigay ng kaukulang serbisyo at tulong.

Bilang bahagi ng Opening Program ng Inter-Barangay Basketball Tournament, nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Lokal ...
25/07/2026

Bilang bahagi ng Opening Program ng Inter-Barangay Basketball Tournament, nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Lokal na Pamahalaang Lungsod sa City Tree Park sa Barangay San Vicente sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Office, katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation.

Nakiisa sa pagtatanim ng mga narra seedlings at kawayan si City Mayor Arth Bryan C. Celeste, na kinatawan ni SK Federation President Loverly V. Bernabe-Paredes, kasama sina CGDH-1 Cloyd Peter P. Lalas, mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at katipunan ng kabataan mula sa iba't ibang barangay. Ang kanilang pakikilahok ay sumisimbolo sa pagkakaisa sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng isang mas luntian at mas matatag na komunidad.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ang layunin nitong paunlarin hindi lamang ang larangan ng palakasan kundi maging ang pangangalaga sa kapaligiran bilang mahalagang pamana para sa susunod na henerasyon.

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, sa pamamagitan ng City Human Resource ...
23/07/2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, sa pamamagitan ng City Human Resource Management Office (CHRMO) at City Information Office (CIO), ang Mobile Photography and Videography/Reels Training for Effective Government Communications na dinaluhan ng mga multimedia focal persons mula sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa paglikha ng de-kalidad na visual content gamit ang kanilang mobile devices upang higit na mapahusay ang paghahatid ng napapanahon, tumpak, at makabuluhang impormasyon sa publiko.

Naging resource speaker si Ms. Joyah Mae C. Quimoyog, Information Officer III at Information Center Manager ng Philippine Information Agency (PIA) Ilocos Sur, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman sa mobile photography at videography, paggawa ng reels, visual storytelling, at epektibong paggamit ng social media bilang makabagong kasangkapan sa government communications.

Address

Alaminos
2404

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Information Office - Alaminos City, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Information Office - Alaminos City, Pangasinan:

Shortcuts

Share