02/06/2026
38th Regular (Physical Session)
Muli tayong dumalo kahapon (June 1) sa 38th Regular (Physical) Session ng 12th Sangguniang Panlalawigan at pakikibahagi muli sa Committee Hearing sa ilalim ng Committee on Laws and Ordinances.
Pinagkalooban ng Plaque of Resolution ang Urdaneta City University bilang pagkilala sa natatanging tagumpay nito bilang "Most Innovative University in the Philippines" sa 2026 World University Rankings for Innovation (WURI).
Pinatutunayan nito na may kakayahan ang mga institusyong pang-edukasyon sa Pangasinan na makipagsabayan sa mga pinakamahusay na paaralan sa buong mundo sa larangan ng inobasyon at kalidad ng edukasyon.
Maraming salamat din sa mga plano at programa ni Lt. Col. Christopher C. Manimtim, Commanding Officer ng 71st Infantry (KAIBIGAN) Battalion sa ilalim ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army, na nakahimpil sa Camp Andres B. Malong, Brgy. Isidro Norte, Binmaley, Pangasinan
Nagbibigay ito ng pagkakataon upang maipabatid sa mga lokal na opisyal at mamamayan ang mga programa at estratehiya ng Philippine Army para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Ganun din sa pagpapahintulot sa ating Governor Ramon V. Guico III, na lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Pangasinan Chapter, kaugnay ng pagbibigay ng mga serbisyong legal at iba pang kaugnay na gawain sa ilalim ng Unified Legal Aid Service (ULAS) para sa Programang GUICONSULTA.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa IBP-Pangasinan Chapter, mas maraming mamamayan ang mabibigyan ng legal na konsultasyon, payo, at tulong sa pagharap sa iba't ibang usaping legal at sumusuporta ang layunin ng GUICOnsulta Program na maghatid ng mas komprehensibo at accessible na serbisyo publiko sa mga mamamayan ng lalawigan.
Tuloy-tuloy lang po ang ating trabaho para sa mas mabuti pang paglilingkod sa ating mga kababayan.