Tagalog Republik

Tagalog Republik ProVince Santa Cruz

28/05/2023

Laguna Mayors have sought the help of the House Speaker Ferdinand Martin Romualdez to bring down electricity rates in their areas.

12/03/2022

Malugod ko pong ibinabalita sa inyo na naipasa na bilang isang ganap na batas ang Republic Act 11648 o An Act Raising the Age of Sexual Consent. Isa po ang inyong lingkod sa mga PANGUNAHING MAY-AKDA ng batas na ito sa bersyon nito sa Mababang Kapulungan na naglayong itaas mula 12 taong gulang patungong 16 taong gulang ang edad ng isang bata para sa sexual consent upang mas maprotektahan sila laban sa abuso. Sa pagpirma po ni Pangulong Duterte sa batas, inamyendahan nito ang Republic Act 3185 o ang Revised Penal Code at ang Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Sa bagong batas, maituturing na r**e kapag ang edad ng isang bata na kinarelasyon ay 16 taong gulang pababa. Binibigyan din ng bagong batas ng proteksyon ang mga bata lalo na laban sa child prostitution at child trafficking. Bukod dito, binibigyang mandatro ng batas ang Department of Education (DepEd) na ituro sa mga paaralan ang mga aralin na magtatalakay sa karapatan at pagprotekta sa mga bata.

Ayon sa pag-aaral ng United Nations Children's Fund (UNICEF) at ng Center for Women's Resources, 7 sa bawat 10 r**e victims sa Pilipinas ay mga bata. Nakakabahala po ito dahil hindi lamang po ito usapin ng kaligtasan ng isang bata kundi nakasalalay rito ang pagkakaroon niya ng isang maayos na buhay sa hinaharap. Kaya naman naniniwala po ako na ang batas na ito ay isang malaking hakbang pasulong para sa pangangalaga at pagprotekta natin sa mga bata laban sa sekswal na karahasan, abuso, at pananamantala.

18/02/2022

Sec. Bernie Cruz encourages everyone to work together for the fulfillment of the ancestral land distribution to the Bangsamoro people. (File photo) CEBU CITY--A portion of Camp Keithley, a military reservation in Marawi, Lanao del Sur, will be…

14/06/2021
Dumalo po tayo sa PCA forum para sa pagtatalaga ng mga nominado para sa Provincial PCA Board...
18/04/2021

Dumalo po tayo sa PCA forum para sa pagtatalaga ng mga nominado para sa Provincial PCA Board...

WEEK 18: TANAW DE RIZAL PARK (Rizal, Laguna) and PANDIN LAKE (San Pablo City)Para po sa Biking Adventure nating ito, nag...
02/12/2020

WEEK 18: TANAW DE RIZAL PARK (Rizal, Laguna) and PANDIN LAKE (San Pablo City)

Para po sa Biking Adventure nating ito, nagsimula po tayong magbisikleta sa Simbahan ng bayan ng Rizal patungo sa Tayak Hill o mas kilala ngayon sa tawag na Tanaw de Rizal Park. Paalaala lang sa mga Kapadyakeros natin, mas mahirap po ang ahon dito kaysa sa Barangay Casile ng Cabuyao city patungong Palace in the Sky/People's Park sa Tagaytay city na ginawa natin noong ating Week 15. Marami kayong maaaring gawin sa lugar na ito bukod sa pag-enjoy sa magagandang tanawin dito. Pede po kayong mag trail-biking, hiking at camping. Oo nga po pala: wag ninyong kalimutang kumain ng mami dito, mura na napakasarap pa. 😁😁😁

Nagtapos po ang ating pamimisikleta sa Pandin Lake, isa sa pitong lawa ng San Pablo City. Try ninyo po rito ang rafting na kasama na ang pagkain ng mga sariwang hipon at tilapiang hinango mismo sa Pandin lake. Akyatin ninyo rin po ang makitid na lupa na nag-uugnay sa Pandin Lake at Yambo Lake na sakop naman ng bayan ng Nagcarlan at mamangha sa ganda ng kinokonsiderang Twin Lakes na ito. Sa December 19 ay opisyal na po ulit na bubuksan ito sa mga turista kaya huwag nang mag-atubile na bisitahin ang lugar na ito. 😁😁😁

Tulungan po nating makabangon ang industriya ng Turismo sa ating bansa. Bisitahin po natin ang iba't ibang lugar sa ating Rehiyon. Siyempre para tipid, environment-friendly at healthy, mamasyal po tayo sa pamamagitan ng pagbibisikleta.😁😁😁










Para po sa Biking Adventure nating ito, nagsimula po tayong magbisikleta sa Simbahan ng bayan ng Rizal patungo sa Tayak Hill o mas kilala ngayon sa tawag na ...

Address

Alaminos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagalog Republik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share