10/03/2026
The Provincial Local Government Unit (PLGU) of Sarangani, through the leadership of our good Governor, Ruel D. Pacquiao, MMPA, and the initiative of the Ronda Probinsya Program (SABAP-MADARIS), conducted the 16th Grand Iftar, sponsored by the Office of the Provincial Governor.
Gov. Rogelio "Ruel" D. Pacquiao - Sarangani Province quoted:
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Malugod nating binabati ang ating mga kapatid na Muslim sa pagdaraos ng ika-16 na Grand Iftar sa ating probinsya. Higit pa sa isang pagtitipon upang magsalo ng pagkain matapos ang pag-aayuno, ito ay isang makabuluhang pagkakataon upang higit pang mapalalim ang pagkakaunawaan, paggalang, at pagkakaisa sa ating komunidad.
Sa buong Banal na Buwan ng Ramadan, ipinapakita ng ating mga kapatid na Muslim ang tunay na diwa ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagtitiis, disiplina, at ganap na pagtitiwala kay Allah (SWT). Ang inyong debosyon sa pag-aayuno at pananalangin ay nagsisilbing paalala sa ating lahat na ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa pusong may takot sa Diyos at may malasakit sa kapwa.
Maraming salamat rin sa ating mga panauhin na nanguna sa ating selebrasyon na sina Sh. Aiden Maguid, Sh. Alimodin Angeles, Maโhad Alhikman President Dr. Abdullah Abtahi, Sarangani Ulama Council Chairman Dr. Datulabi Kalunsiang, Ministry of Labor and Employment Tommy Nawa, at Ameed Kulliyah Jamiat Parang Al-Academy College Dean Dr. Hisham Antao.
Katuwang ninyo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sarangani sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng ating Moro community. Sa pamamagitan ng paggalang sa ating ibaโt ibang pananampalataya at ng sama-samang pagtutulungan, itinataguyod natin ang isang probinsyang may pag-asa, pagkakaunawaan, at kapayapaan para sa susunod na henerasyon.
Kasama sina Vice Governor Danny Martinez, Board Members: Ephraim Galzote, Irish Louie Arnado, Joseph Calanao, Gwynn Singcoy, Provincial Administrator Atty. Ryan Jay Ramos, Provincial Legal Officer Atty. Jenric Garcia, at Ronda Probinsya Program Director Engr. Ruel Jr. Quiamco, taus-puso kaming bumabati sa inyo ng isang mapayapa at pinagpalang Ramadan.
Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagkakaisa upang lalo pang mapatatag ang kapayapaan, paggalang sa relihiyon, at kaunlaran sa ating probinsya. Ramadan Mubarak.๐
๐ Provincial Capitol Gymnasium, Alabel
๐
March 9, 2026