07/11/2025
๐ฝ๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐บโ๐ป, ๐ธ๐ถ๐ธ๐ป, matagumpay na ginanap ang ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐ฑ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฟ๐๐ฐ๐ฟ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐ถ๐ธ๐ป sa ๐ฑ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐. Sa programang ito ay buong pusong lumahok ang mga kinatawan ng ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ธ๐๐., kabilang sina ๐๐๐ป๐ถ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐. ๐น๐๐๐๐ข ๐ณ. ๐ฑ๐๐๐๐ข๐๐๐, ๐๐๐ป๐ถ ๐
๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐. ๐ด๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐ ๐ธ. ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ป๐ถ ๐ฟ.๐.๐พ ๐ผ๐. ๐ฐ๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ ๐ฒ. ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, at ๐๐๐ป๐ถ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐. ๐ฐ๐น ๐บ๐๐ ๐ถ๐๐๐๐. Kasama rin nila ang mga mamamahayag ng paaralan, sina ๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐-๐๐-๐ฒ๐๐๐๐ ๐ผ๐. ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐ฐ. ๐๐๐๐๐๐๐๐ at ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐-๐๐-๐ฒ๐๐๐๐ ๐ผ๐. ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ. ๐๐๐๐๐๐, na tumulong sa pagdodokumento ng mga mahahalagang kaganapan sa seminar.
Ang dalawang araw na seminar ay naglalayong linangin ang kakayahan, liderato, at kooperasyon ng mga kabataang lider mula sa ibaโt ibang paaralan at organisasyon. Sa tulong ng ibaโt ibang aktibidad at talakayan, natutunan ng mga kalahok ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan, tamang komunikasyon, at responsableng pamumuno. Naging daan din ito upang mas mapatatag ang kanilang tiwala sa sarili at pagkakaisa bilang kabataan ng kanilang komunidad.
Lubos ang pasasalamat ng mga kinatawan ng ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐๐ sa kanilang ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ผ๐. ๐ท๐๐๐๐ข ๐ณ. ๐ฒ๐๐๐๐ฃ๐, sa walang sawang suporta at pagtitiwala na ibinibigay niya sa mga mag-aaral na patuloy na nagpapamalas ng husay at dedikasyon. Ang kanyang paggabay ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat proyekto at gawain ng ๐๐๐ป๐ถ at ng school publication.
Hindi rin matatawaran ang pasasalamat ng mga kalahok sa mga nanguna sa programaโ๐ผ๐. ๐น๐๐๐ ๐น๐๐๐๐ข ๐ผ. ๐ถ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ (๐ผ๐๐๐ณ ๐พ๐๐๐๐๐๐), ๐ผ๐. ๐๐๐๐๐๐ข ๐น๐๐๐๐๐๐ ๐ผ. ๐ณ๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐ฃ, ๐๐๐ (๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐ธ), at ๐ผ๐. ๐ฝ๐๐๐ ๐ถ. ๐ณ๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐ฃ (๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐)โpara sa kanilang malasakit, gabay, at mga aral na ibinahagi. Tunay na nakapagbigay-inspirasyon ang kanilang mga tinalakay tungkol sa pagiging responsableng kabataan at epektibong lider sa lipunan.
Bukod sa mga kaalaman at karanasang natamo, labis ding ikinatuwa ng mga kalahok ang magandang lugar ng ๐ฑ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ang masarap na pagkain, at ang masayang samahan ng bawat dumalo. Ang seminar ay hindi lamang nagturo ng mga kasanayan, kundi nagbigay rin ng pagkakataon upang bumuo ng bagong pagkakaibigan at karanasang hindi malilimutan. Tunay na naging makabuluhan at matagumpay ang pagtitipon ng mga kabataang lider sa ilalim ng layuning linangin ang kanilang kakayahan para sa mas maunlad na kinabukasan.