30/01/2026
Tara at Magpalista!
Inaanyayahan lahat ng mga magulang ng mga mag-aaral na magiging Kinder, Grade 1, 7, at Grade 11 na magpalista para sa Early Registration na gaganapin simula Enero 31, 2026 hanggang Pebrero 27, 2026.
Opisyal na mag-uumpisa ang pagpapalista bukas ng umaga, Enero 31, 2026, sa ganap na ika-8 ng umaga. Maaaring tumungo sa paaralan sa nasabing oras at dalhin lamang ang mga dokumento gaya ng Photocopy ng Birth Certificate. I-fill out ang Basic Enrollment Form na manggagaling sa paaralan, at ipasa ito kalakip ng kopya ng Birth Certificate.
Tara na at maging parte ng lumalaking pamilya ng Tampac Integrated School!